ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 26, 2025
Photo File: Alden Richards - IG
Hindi lang pala si Daniel Padilla ang pinalitan ni Alden Richards sa ka-love team na si Kathryn Bernardo kundi pati pala si Luis Manzano ay pinalitan din nito bilang product endorser ng isang detergent bar.
Ngayon kasing 2025 election ay tatakbong vice-governor ng Batangas itong si Lucky at ang kanyang runningmate ay walang iba kundi ang kanyang mommy dearest na si Vilma Santos-Recto na dati na ring naging vice-governor ng Batangas hanggang sa maging congresswoman ng lalawigan din ng Batangas.
Dahil sa susunod na buwan na magsisimula ang kampanya, mahigpit na ipinagbabawal ang media exposure sa mga kumakandidato tulad ng TV, pelikula at commercials.
Hindi ligtas dito si Luis who had to give up his endorsement of a popular detergent bar.
Samantala, kay Alden Richards napunta ang endorsement, bagay na kinu-question ng marami.
Kailan pa raw gumamit ang Kapuso actor ng laundry detergent soap?
Hindi kasi ma-imagine ng mga netizens na sa estado ngayon ni Alden ay nakukuha pa raw ba niyang labhan ang kanyang mga damit?
May paliwanag si Alden to justify his endorsement.
Aniya, noon ay nakasanayan niyang maglaba ng kanyang mga damit, pati paglilinis ng bahay, para everything is in order.
Wow, ang suwerte naman ng girlash na mapapangasawa nitong si Alden if ever ‘coz pati paglilinis ng balaysung ay keri rin nitong gawin.
Well, as the saying goes... some guys have all the luck. Boom, ‘yun na!
‘Yun lang and I thank you.
NAKAKABILIB at nakakapagpaligaya ng kalooban ang ilang artista noon at ngayon na nakasama namin sa ilang showbiz events, preskon na nakatsikahan, nakasalamuha na tipong walang tamang limot, in fairness.
Isa na rito si Robin Padilla na noong 14 years old pa lamang ay nakasama na namin sa bahay ng kanyang discoverer na si Direk Dikong Deo Fajardo (SLN). Tuwing makikita niya si yours truly ay panay ang yakap at halik niya, tapos may pakimkim pa. At nito nga lang kamakailan ay nag-birthday ang kanyang mentor cum discoverer at nagpadala siya kay yours truly ng handa kahit pansit man lang.
Tapos sa video ay nagpasalamat siya sa former Tower Productions at kay Director Temyong Marquez sa pagbibigay sa kanya ng breakthrough via acting na ipinadala sa mga anak ni Direk Temyong na nakabase na sa Amerika.
Sumunod si Sen. Bong Revilla, Jr. na walang sawang tumutulong sa mga media na in need of financial help pati na rin sa mga kababayan niya sa Cavite.
Sa artistang babae naman, isa na si Nora Aunor, lalo na nu’ng hindi pa ito nagkakasakit at marami pang movie at TV projects na ginawa noon. Ang dami niyang natulungan lalo na sa grupo ng ilang media people.
At siyempre, hindi mawawala sa listahan ni yours truly si Fiery Soul Torch Diva Malu Barry na in 44 years ay walang patid ang aming communication thru thick and thin.
At siyempre, isinama na rin ni yours truly si Gladys Reyes ‘coz shocked boogie ako nang biglang mag-FB messenger at nangungumbida sa event niya next week, gayong ang tagal na naming walang communication, pero gayunpaman ay naalala niya kaming imbitahin, sa true lang.
Eh, ‘yung iba, ngangey! Parang hindi ka na kilala, pak, ganern!
But oks lang ‘coz may saying na... stars come and go naman. Hindi lang napapalitan kundi nadaragdagan pa, boom, ganern!
Senti lang po and emote. Hahaha!
Kaya ‘yung mga artistang walang tamang limot na tatakbo ngayong 2025 elections, please, don’t forget sa balota n’yo sina Robin Padilla at Bong Revilla, Jr., ha?
Huwag magpapahuli sa isang world-class Sunday viewing kasama ang Incognito stars na sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Daniel Padilla, at Kapamilya love teams na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Fyang Smith at JM Ibarra na may nakakabilib na pagtatanghal sa ASAP ngayong Linggo (Enero 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Kommentarer