top of page
Search
  • BULGAR

Pumalag sa pambabastos daw nila ng staff niya… ARA, NAG-CELLPHONE LANG, ‘DI LAPTOP SA PANONOOD NG PLAY

ni Julie Bonifacio @Winner | June 28, 2024



Showbiz Photo

Kinlaro ni Ara Mina ang isyung ibinabato sa kanya tungkol sa bintang na pambabastos daw ng staff niya na gumagamit ng laptop sa loob ng venue habang ongoing ang isang theater play.


Ayon kay Ara, “Well, the viral thing? All I can say is uh…I kept quiet kasi you know me naman, sa 31 years ko sa showbiz industry ay never naman kayong nakarinig na I don’t have manners pagdating sa work or meron akong ‘di inirespeto na co-workers, ‘di ba?


“It’s just that for me, hindi na kailangang palakihin. Kasi, as far as I remember, two-parts ‘yun, eh. May 10-minute break. It’s a two and a half hour play.


“After the 10-minute break, so, normal, lumabas kami and balik. Bago mag-ano, nag-start na. Sumilip lang ako ng phone and ‘yung kasama ko. It’s normal ‘di ba, sumisilip ka ng phone mo? But not the entire show.”


Feeling ni Ara, na-misinterpret ‘yun ng mga nanonood.


“And I also saw the laptop. ‘Yung girl in front of me, ‘yung may-ari ng laptop. Alam mo, may laptop din ako, nandu’n lang sa bahay, nasa cabinet. Hindi ko talaga s’ya ginagamit,” pahayag ni Ara sa mediacon para sa kanyang nalalapit na 31st anniversary concert titled All of Me.


But it’s true ba na staff niya ‘yung gumagamit ng laptop during the show?

Tugon ni Ara, “Wala rin s’yang (Ara’s staff) dalang laptop. Hindi related sa ‘min ‘yung girl sa harap. Parang ang lumabas, kasama namin ‘yung girl. It’s not ours.


“Kaya parang alam nu’ng mga naroon, ‘yung mga nandu’n kung kanino ang laptop. And in fact, hindi ko na ginawang big deal ‘yun kasi hindi ‘yun talaga upuan. We’re supposed to sit in front, du’n sa orchestra. But sad to say, nawala ‘yung seats namin. May umupo. Hindi ko na alam what happened to our tickets.”


Pero dahil into production din si Ara, naiintindihan niya ang mga ganyang pangyayari. Kaya hindi na siya nagreklamo, hinayaan na lang niya.


Dagdag pa niya, “Nu’ng nakaupo na kami, kinuha ko ‘yung cellphone ko. Nag-text din kasi si Dave (Almarinez) sa ‘kin. Susunod na lang s’ya pero hindi na s’ya nakasunod kasi nasa meeting pa s’ya.”


Sey pa ni Ara, “So, we enjoyed the play, the entire show. Hindi ko ginamit ang phone ko. I respect their opinion pero hindi, I don’t think kailangang palakihin.”


Again, hindi kasama ni Ara, ‘di niya staff at lalong hindi niya kilala ‘yung gumagamit ng laptop during the show. 

“Pero parang sa piktyur ko, kasama ko siya, ‘no? Kaya ‘wag basta-basta magdya-judge,” piyok pa ni Ara.


Anyway, sa July 19 na ang All of Me 31st anniversary concert ni Ara na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts. Si Frank Lloyd Mamaril ang director ng show at ang mahusay na si Marvin Querido naman ang musical director. Opening pa lang daw ng show ay makinang na at pasabog. 


Makinang dahil ang sikat na fashion designer na si Leo Almodal, na siya ring gumawa ng bridal gown niya, ang gumawa ng costume ni Ara na susuotin niya sa opening ng show.


“Uh, kailangan nilang mapanood ang opening number ko. Kasi, dapat nilang abangan ‘yun dahil after the show, io-auction ko,” lahad pa ni Ara.


Well, may mga costume rin daw si Ara na gagamitin sa show na gawa ng kilalang Dubai-based designer na si Maxi Cinco. Si Maxi rin pala ang gumawa ng mga damit ni Ara sa hit movie niya na Mano Po.


At heto pa, may pangatlo pang designer na gumawa ng costume ni Ara sa All of Me show, si Fatima Beltran.


Costumes pa lang ni Ara, tiyak na sulit na sulit panoorin ang major concert niya. Kaya ‘wag na ‘wag imi-miss ang All of Me anniversary concert ni Ara on July 19.

        

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page