ni Angela Fernando - Trainee @News | January 15, 2023
Tuluyan ng inalis sa trabaho si Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong na sangkot sa pagkasawi ng isang tricycle driver dahil sa nangyaring hit-and-run nu'ng 2022.
Nasangkot na naman ang pulis sa isang insidente sa bar sa Quezon City nu'ng Nobyembre matapos nitong magpaputok ng baril sa labas ng nasabing establisyimento.
Nagpahayag sa isang pulong balitaan nitong Lunes na ginanap sa Camp Crame si PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. na kanilang inaasahang naibigay na kay Abong ang dismissal order.
Saad niya, "Based on our record, wala na siya."
Kinumpirma naman ni Police Colonel Jean Fajardo na nu'ng Disyembre 18, 2023 epektibo ang naging pagsibak kay Abong sa trabaho.
Matatandaang naaresto si Abong nu'ng Nobyembre matapos magpaputok ng baril sa labas ng isang bar sa Barangay Laging Handa sa Quezon City matapos na may makaalitang isa pang customer.
Comments