top of page
Search
BULGAR

Pulis na nakapatay ng drug suspect, kakasuhan

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 20, 2020




Ipinag-utos ng hepe ng Manila Police District (MPD) na sampahan ng kaso ang isang pulis na nakapatay ng suspek na sangkot sa droga sa loob ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) office sa Moriones Police Station, Tondo, Manila.


Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Rolando Miranda, pinaiimbestigahan na niya sa General Assignment and Investigation Section ang insidente.


Aniya, “Pinaimbestigahan ko na ito sa General Assignment and Investigation Section natin pati ‘yung criminal and administrative culpability nitong si Joel kung meron man. At siya ay pinakakasuhan ko na rin sa City Prosecutor’s Office dahil sa pagkakapatay dito kay John Doe, ‘yung nahuli nilang suspect.”


Ayon sa ulat, inaresto ni Cpl. Joel Calagaran ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Chacon Street, Tondo noong Linggo nang gabi dahil umano sa kasong possession of illegal drugs. Nang dinala umano ang suspek sa SDEU office, bumunot ito ng improvised caliber 22. na nakatago sa underwear nito upang barilin si Calagaran.


Nang agawin ni Calagaran ang baril, aksidenteng naiputok nito umano sa mukha ng suspek na kaagad namang isinugod sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Saad ni Miranda, “Pati administrative lapses, pinatitingnan ko kasi kasama ‘yan sa operational procedure natin na you will frisk the suspect at iha-handcuff mo ‘yan sa likod. ‘Yun ang instruction ko. Walang naka-handcuff sa harap.


“Sa tingin ko, may pagkukulang ang ating pulis although sa criminal liability ay there is the benefit of the doubt na ibinibigay ko sa kanila na ‘yun talaga ay nangyari. Pero doon sa administrative lapses nila, sa operational procedure, hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila kinapkapan at hindi nila thoroughly na-frisk ‘yung tao at hindi naka-posas. Bakit ganu’n?”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page