top of page
Search

Pulis, arestado sa pagbangga sa mga sasakyan at 2 siklista

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 13, 2020



Arestado ang isang pulis matapos mabangga ng minamaneho niyang pickup ang 2 siklista at ilan pang sasakyan sa intersection sa Angono, Rizal ngayong Sabado. Sa kuha ng CCTV, makikitang bumangga ang truck na minamaneho ni Corporal Neil Leke sa SUV sa intersection sa Baytown Road.


Makikita rin ang pagbaba ng driver ng truck upang tignan ang SUV ngunit bumalik ito sa kanyang sasakyan at nagmadaling ibinuwelta kaya nabangga ang isa pang pickup truck at 2 siklista. Nang umabante ulit ito, nabangga muli ang SUV.


Pahayag ng traffic enforcer na si Danilo Delos Reyes, “Pagpunta ko sa kanya, sana lalapitan ko dahil kakatukin ko dahil ayaw kong ipaalis ‘yung sasakyan para sa imbestigasyon. Paglapit ko naman sa kanya, bigla niyang inatras, mabilis. Tumakbo ‘ko sa may gilid sa pader.


“Pagtakbo ko roon sa may gilid ng pader, pagbangga niyang gano’n, gumanoon pa siya roon sa akin sa gilid ng pader, mabuti tumalon na rin ako.” Saad naman ni Police Major Richard Corpuz, Angono Municipal Police chief, “Ang sabi niya sa akin, medyo nalito siya nu’ng unang pagkabangga niya, natakot siya, and then nawalan siya ng kontrol.”


Nagtamo naman ng injury ang dalawang siklista ngunit hindi nagpaospital. Samantala, hindi umano kakasuhan ang suspek matapos makipag-ayos sa 3 complainants ngunit nais ni Corpuz na i-turn over ito sa chief of police ng Carmona, Cavite.


Aniya, “Ite-turn over namin siya sa kanyang chief of police sa Carmona nang sa gano’n ay masampahan o maimbestigahan pa para sa mga administratibong puwedeng ikaso sa kanya.”


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page