top of page
Search
BULGAR

Puerto Galera, safe sa oil spill

ni Madel Moratillo | April 17, 2023




Ligtas pa rin sa oil spill ang karagatan ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro.


Sa isang pahayag, sinabi ni Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, batay sa report ng Office of the Civil Defense, ang oil slick ay nakarating na sa 84 barangays sa 10 munisipalidad sa lalawigan at hindi kasama rito ang Puerto Galera.


Ayon naman kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, wala pang rekomendasyon ang kagawaran para sa pagpapatigil ng water activities sa Puerto Galera.


Pero kasama aniya ang nasabing lugar sa ginagawan ng random test sampling para makita kung ligtas ang kanilang karagatan sa oil spill.


Sa ngayon, hindi pa aniya conclusive ang report pero tiniyak ng DOH na kung mapatutunayang kontaminado na ang tubig dito ay ipagbabawal na nila ang paggamit ng tubig at paliligo rito.


Dahil dito, ang lokal na pamahalaan ng Puerto Galera ay nagsabi na status quo muna at hihintayin nila ang opisyal na posisyon ng DOH, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at interagency task force para maberipika ang impormasyon.


Ayon kay Ilagan, kailangang maging maingat para na rin sa kapakanan ng mga residente.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page