ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 19, 2025

Dear Chief Acosta,
Malapit na akong magtapos sa kolehiyo at ninanais ko na makahanap kaagad ng trabaho upang matulungan ang aking pamilya. Alam ko na marami kami na tinatawag na job seekers. Kung kaya nais ko sana malaman kung may akma bang batas ang ating gobyerno na maaaring makatulong sa mga katulad ko na nagnanais na makahanap ng trabaho? Salamat sa inyong tugon. — Rose
Dear Rose,
Makikita ang kasagutan sa iyong katanungan sa Seksyon 3 ng Republic Act (R.A.) No. 8759, o mas kilala sa tawag na “Public Employment Service Office Act of 1999,” na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 10691, kung saan nakasaad na:
“SEC. 3. Establishment of the Public Employment Service Office. – To carry out the above declared policy, there shall be established in all provinces, cities, and municipalities a Public Employment Service Office, hereinafter referred to as ‘PESO’, which shall be operated and maintained by local government units (LGUs). The PESOs shall be linked to the regional offices of the Department of Labor and Employment (DOLE) for coordination and technical supervision, and to the DOLE central office, to constitute the national public employment service network.
The PESO shall be under the office of the governor, city or municipal mayor. The PESO shall be initially organized by and composed of a PESO manager and may be assisted by a labor and employment officer (LEO) as may be determined by the LGU.
Upon the request of accredited non-government organizations (NGOs) or educational institutions (Els), the DOLE may enter into a memorandum of agreement for the NGO and EI to establish, operate and maintain a PESO and a job placement office, respectively.
To harmonize the provision of employment services in a given territorial jurisdiction, the PESO at the NGOs and the job placement office in Els shall coordinate their activities with the appropriate LGU PESO.”
Sa Seksyon 1 ng parehong batas, malinaw na isa sa mga polisiya ng ating gobyerno ang pagtataguyod ng ganap na trabaho at pagkakapantay-pantay ng mga oportunidad sa trabaho para sa lahat. Layon nitong palakasin at palawakin ang umiiral na makinarya ng serbisyo sa pagpapadali sa pagtatrabaho ng gobyerno, partikular sa mga lokal na antas.
Kung kaya, upang mabigyang buhay ang nasabing polisiya, nakasaad sa R.A. No. 10691 ang pagtataguyod ng tinatawag na Public Employment Service Office (PESO) sa mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad, na dapat patakbuhin at papanatilihin ng ating mga lokal na gobyerno. Ang nasabing PESO ay karugtong ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa koordinasyon at teknikal na pangangasiwa, at sa DOLE Central Office, upang bumuo ng pambansang pampublikong network ng serbisyo sa pagtatrabaho.
Dahil dito, at upang masagot ang iyong katanungan, may batas na ginawa upang makatulong sa mga tulad mo na naghahanap na trabaho. Isa rito ay ang pagtataguyod ng nasabing PESO sapagkat ang isa sa mga gawain ng nasabing opisina ay nakalahad sa inamyendahang Seksyon 5 ng R.A. No. 8759:
“SEC. 5. Functions of the PESO. – The PESO shall have the following functions:
(a) Encourage employers to submit to the PESO on a regular basis a list of job vacancies in their respective establishments in order to facilitate the exchange of labor market information between job seekers and employers by providing employment information services to job seekers, both for local and overseas employment, and recruitment assistance to employers;
(b) Develop and administer testing and evaluation instruments for effective job selection, training and counselling;
(c) Provide persons with entrepreneurship qualities, access to the various livelihood and self-employment programs offered by both government and nongovernment organizations at the provincial, city, municipal and barangay levels by undertaking referrals for such program;
(d) Undertake employability enhancement trainings or seminars for job seekers, as well as those who would like to change career or enhance their employability;
(e) Provide employment or occupational counselling, career guidance, mass motivation and values development activities;
(f) Conduct pre-employment counselling and orientation to prospective local and, most especially, overseas workers;
(g) Provide reintegration assistance services to returning Filipino migrant workers; x x x”
Katulad ng nabanggit sa nasabing probisyon ng batas, ang PESO ay inatasan na hikayatin ang mga employer na regular na magsumite sa PESO ng listahan ng mga bakanteng trabaho sa kani-kanilang mga establisimyento upang mapadali ang pagpapalitan ng impormasyon sa labor market sa pagitan ng mga naghahanap ng trabaho at mga employer, kapwa para sa lokal at internasyonal na trabaho, at makatulong sa recruitment ng mga empleyado. Sa ganitong paraan, maaaring matulungan ng ating gobyerno ang mga job seekers na gaya mo na makahanap ng trabaho.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments