ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 10, 2024
On the road to recovery na si Sen. Bong Revilla matapos maoperahan sa kanyang Achilles tendon dalawang buwan na ang nakararaan.
Sa kanyang latest live session sa Facebook nitong Sabado ay ipinakita niya ang kanyang mga workouts na ginagawa para palakasin ang kanyang naoperahang paa. Masaya nga niyang sinabi na nakakapagsayaw-sayaw na rin siya.
“It’s our second month, 2 months na tayo kaya napakabilis din ng ating recovery,” sambit niya.
“After 3 months, baka makabalik na tayo sa sapatos,” aniya pa.
Inamin naman ng action star na hindi rin naging madali para sa kanya ang pagpapagaling at mahirap daw pala na isa lang ang paa. Kaya ang payo niya sa madlang people ay alagaan ang ating katawan.
“Napakahirap na isa lang ang paa mo kaya ang dami kong natutunan dito. Kaya alagaan natin ang ating paa, kamay, lahat, actually sa buong pangangatawan,” sey niya.
Ipinakita nga rin niya ang suot niyang fake na paa na tinanggal na raw ang isang part which means halos magaling na siya talaga.
“Laking bagay po na nawala ‘to, at least, road to recovery na, bumabalik na ‘ko sa normal,” pagbabahagi pa niya.
Proud din na ipinakita ng action star/politician na isa na lang ang kanyang saklay ngayon, na dati ay dalawa.
Sa naturang live session ay nabanggit din ni Sen. Bong ang kanyang panghihinayang na hindi na niya maisasama ang comeback film niya na Alyas Pogi 4 sa Metro Manila Film Festival 2024 dahil nga sa kanyang operasyon pero siniguro naman niyang next year ay babawi siya.
“Sayang ‘yung Alyas Pogi natin. ‘Yung Alyas Pogi sana, kasama sa Metro Manila Filmfest. ‘Di bale, hindi man tayo umabot ngayon, sa susunod, next year. Not meant,” aniya.
Inanunsiyo rin niya na mayroon silang niluluto ng GMA-7 kaya mapapanood daw siya bago matapos ang taon.
“Bago mag-December, makikita n’yo ulit ako sa GMA-7. Mayroon kaming niluluto. Kaya mga Kapuso, abangan n’yo ulit,” sey ni Sen. Bong.
BAGO umalis si Kim Chiu patungong Dubai para sa Kapamilya Kalayaan Karavan ay nag-renew siya ng kontrata bilang brand ambassador ng Sisters Napkins and Pantyliners by Megasoft Hygienic Products Inc.
Pinangunahan ni Megasoft Vice-President Ms. Aileen Choi Go ang renewal ng kontrata kasama si Kim na ginanap nitong June 5, 2024 sa Romulo’s Café.
Kasabay ng contract renewal ni Kim ay ang paglulunsad ng bagong pakete ng
Sisters Napkins and Pantyliners, gayundin ang pagdiriwang ng ika-24 na anibersaryo ng kumpanya.
Sa tanong kung bakit piniling ipagpatuloy ang pagiging ambassador ni Kim, pahayag ni Ms. Aileen, “Kim kasi has the values that Sisters celebrate. She’s very hard working - as seen from her projects, but at the same time, we see her fun side. She’s also very grounded and never forgets to take care of herself. (These are) admirable qualities that we all look up to in a sister."
Nagpahayag din si Kimmy ng pasasalamat para sa renewal.
“Siyempre, proud ako to be an ambassador of one of the leading napkins and pantyliners na may advocacies pa to empower women. So, excited ako for another year of partnership with Sisters,” sey ng aktres.
Comments