ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 24, 2024
Kaninang 2:30 AM ang live stream ng Le Défilé at Paris Fashion Week (PFW) sa official Facebook (FB) page ng L’Oreal Paris.
Siguradong marami ang nagpuyat para mapanood ang pagrampa ni Pia Wurtzbach na kinilig sa kanyang pag-iimbita na ang sabi, “Please go watch because I’m gonna be walking in the show.”
Napanood namin ang video ni Ian Mendajar, ang coach ni Pia sa pagrampa sa runway.
Sabi nito, “To be part of your Paris Fashion Week Journey is BOTH AN HONOR AND A RESPONSIBILITY. Thank you for your trust and congratulations Queen P! Always proud of you.”
Hindi nabanggit kung kasama na ni Pia si Ian sa Milan Fashion Week (MFW), pero PFW lang ang binanggit nito. Baka sumunod na lang siyang lumipad for Paris to train Pia.
Samantala, may mga kumukuwestiyon sa pagrampa ni Pia sa L’Oreal Fashion Show dahil hindi naman daw clothing brand kundi makeup brand lang ang irarampa ni Pia.
Hindi raw big deal ang achievement na ito ni Pia na kinontra ng mga netizens.
Kahit ano pa raw ang dala ni Pia sa kanyang pagrampa, rumampa pa rin siya sa PWF. Pagkatapos ng pagrampa niyang ito, balik siya sa panonood ng mga fashion shows.
PHOTO ng lips-to-lips nila ni Yassi Pressman ang ipinost ni Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte sa kanyang Instagram account to mark their anniversary. Malayo ang kuha ng picture, kaya wala kaming nabasang nang-bash sa dalawa, unlike sa photo nila na sa harap ng mga constituents ng gobernador sila nag-lips-to-lips, kaya naglabasan ang mga bashers.
Anyway, sa Bhutan nag-celebrate ng kanilang anniversary ang magdyowa at kakaibang experience ‘yun.
Sa tabi ng ilog sila kumain, resort yata ‘yun, maganda ang view at siguradong malamig dahil sa kanilang mga suot.
Hinihintay na lang ang announcement ng wedding nina Gov. Luigi at Yassi at naniniwala ang mga netizens na sa pagpapakasal na ang punta nila. Dahil ito sa the two look so much in love raw at mukhang tanggap na ni Yassi ang maging politician’s wife.
Saka, marunong na siyang magsalita ng Bicolano, inaral niya at magiliw siya sa mga taga-Camarines Sur. Comment pa nga ng mga netizens, she belongs to Camarines Sur.
RUMAMPA rin pala sa Milan Fashion Week (MFW) si Max Collins. Naimbita siya sa fashion show ng Hogan, Fendi, Bally at Collin Milano.
Nakarampa nang maayos at walang ingay si Max dahil walang mga fans na ikinukumpara siya kina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista.
Magaganda ang suot ni Max at recorded ang mga fitting session niya sa mga brand na kanyang isinuot.
Dahil nag-debut na siya sa MFW, wish ng mga fans ni Max na maimbita rin siya sa PFW at sa iba pang fashion week.
Ang isang napansin ng mga followers ni Max sa Instagram ay ang comment ng ex nitong si Pancho Magno na kahit emoji lang ng clapping hands, kanila nang ikinatuwa.
Kahit daw hiwalay na ang dalawa, maganda pa rin ang kanilang relasyon, friends sila at nagwo-work ang co-parenting setup nila para sa anak nilang si Sky.
Sa emoji comment ni Pancho, “@magnopancho” ang sagot ni Max with matching red heart emoji.
Comments