ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 7, 2023
Ayon kay Alden Richards, hindi dapat minamaliit ang pagiging parte ng isang love team dahil sa kaso niya, naging napakalaking tulong ito sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.
“There’s nothing wrong with being part of a love team and I think it’s the Filipino culture and I think we have to respect that.
“Meron po kasing mga nagko-comment na nakikita natin na parang nilu-look down nila ‘yung pagiging part ng love team. Masakit ‘yun on our part,” simula ni Alden sa grand mediacon ng Family of Two (A Mother & Son Story).
“Baka kailangan lang mag-reality check tayo. Sa'n ba tayo nag-start? And anything that has been a contributing factor to our career and success, parang no one has the right to look down on that,” sey pa niya.
Ang love team daw ay bahagi na ng kultura sa showbiz industry at nagsisilbi ring daan para sumikat ang mga artista.
“I’m celebrating my 13th anniversary (in showbiz) po this coming December, so I’m very much grateful to be part of a love team po in the past,” aniya.
Kailanman ay hindi raw niya ikinahihiya na naging produkto siya ng love team. Of course, we all know na isa sa pinakamalaking factor ng phenomenal success ni Alden ay nang ipanganak ang AlDub na tambalan nila ni Maine Mendoza sa Eat… Bulaga! in 2015.
“I am not ashamed, hindi ko po ikinakahiya na marami akong naka-love team before and hindi ko po ikinakahiya na doon ako nagsimula. But I’m very much grateful to the love team concept here in the Philippines,” pahayag pa ng Asia’s Multimedia Star.
At kahit ngayong nagso-solo na raw siya, ang mga natutunan daw niya noong nasa love team pa ay nagagamit pa rin niya.
“Lahat po ng naia-apply ko ngayon sa mga desisyon ko is coming from the learning that I got during my love team era days,” aniya.
Samantala, super proud si Alden sa Family of Two kung saan ay kasama nga niya sa kauna-unahang pagkakataon si Megastar Sharon Cuneta.
“Ito ‘yung panahon, especially Pasko, at ang Pasko ay para sa pamilya, especially pagdating sa mga Pilipino, hindi lang Pilipino, maging ibang tao sa mundo,” sey ni Alden.
Isa sa 10 official entries ng Metro Manila Film Festival, mapapanood ang Family of Two sa mga sinehan ngayong Pasko, December 25. Ito ay mula sa direksiyon ni Nuel Naval at sa script naman ni Mel del Rosario.
Kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Jackie Lou Blanco at marami pang iba, handog ng Cineko Productions.
Comments