ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 2, 2024
Photo: Julie Anne San Jose - Rayver Cruz / IG
Never na-imagine ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na magiging endorser siya ng world’s best-selling gin (liquor) maker na Ginebra San Miguel at magiging Calendar Girl 2025.
Si Julie Anne ang 34th Calendar Girl sa ika-190 anibersaryo ng Ginebra San Miguel.
Pahayag ni Julie Anne, “Uh, parang ‘di ko siya lubos-maisip or ma-imagine. I mean, like before.
“But, you know, I’m really happy. I’m speechless right now. Nao-overwhelmed ako today. You know, it’s a big day for me.
“It’s a big day for everybody and siguro it’s a surprise para po sa inyong lahat. Actually, para sa sarili ko rin. Uh, yeah. Sobrang surreal ng moment na ‘to.”
Naganap ang grand reveal for Julie Anne as GSM’s new Calendar Girl with Obra Maestra as the theme for the 2025 calendars sa Manila Diamond Hotel last Wednesday, October 30.
Ayon sa GSMI Marketing Manager na si Ron Molina, napili nila si Julie Anne dahil sa dedication sa kanyang craft and resilience in the industry na katulad din ng GSM 190-year legacy of excellence.
Nagkaroon naman kami ng chance na makausap si Julie Anne pagkatapos ng bonggang pa-grand reveal sa kanya as GSM’s new Calendar Girl. We asked Julie Anne kung ano ang reaksiyon ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz sa pagiging GSM Calendar Girl niya.
“Uh, sinabi ko po muna sa kanya na magiging Calendar Girl ako ng Ginebra. Sobrang na-excite po s’ya para po sa ‘kin.
“Sobrang proud na proud po s’ya and palagi po n’yang sinasabi sa ‘kin, ‘Kaya mo ‘yan because it’s something new. Para makita ng ibang tao na, wow, may different side pala si Julie.’
“So, sobrang happy po s’ya para sa ‘kin. Wala po s’ya ngayon dito pero talagang, you know, abut-abot dito ‘yung support n’ya,” sey ni Julie Anne.
Hindi pa raw nakikita ni Rayver ang kabuuan ng different sexy layouts ng calendar ni Julie Anne.
“Actually, ‘pag nagpapakita po ako ng behind-the-scenes sa kanya, ‘Wow! Grabe! Nakaka-excite ‘yung magiging outcome ng layout.’
“Hindi ko po alam kung nakita na n’ya. (But) For sure, nakita na po n’ya online. ‘Di ko pa po kasi siya nakakausap.
“Humingi po s’ya ng ano, kasi gusto raw po n’ya ipaskil ‘yung malalaking poster po. Ipapa-frame po n’ya, humingi po s’ya ng mga kopya,” pagre-reveal ni Julie Anne.
For sure, tatanungin ni Julie Anne si Rayver kung alin sa anim na iba’t ibang layouts ng calendar niya ang pinakanagustuhan ng boyfriend niya.
Anyway, some of the past GSM Calendar Girls na nainterbyu namin ay nagkuwento kung paano sila naghanda bago sila sumabak sa pictorial ng GSM calendar.
Ani naman ni Julie Anne, “Well, ako po, as much as I can po talaga, I really do cardio.
“I do cardio when I can. Pero siguro rin po, sa tulong ng busy schedule. Siguro, nakatulong din po ‘yun para ma-maintain ‘yung weight ko. Kasi hindi po ako tumataba.”
Nabawasan naman daw ang timbang ni Julie Anne.
Sey niya, “Kasi, usually po, ‘pag may production numbers po kasi kami na ginagawa sa All Out Sundays, like I always dance, I always do different stuffs, most of the time, kaya siguro nakatulong na rin ‘yung load ng trabaho para ma-maintain ‘yung figure.
“Uhm, as much as possible po, itina-try ko na matulog nang maaga. Optional ‘yang eight hours sleep. And then, I drink lots of water. I eat a lot of vegetables and fruits.”
Many are wondering kung ang pag-pose niya nang sexy sa GSM calendar ang hudyat ng pag-join niya sa bandwagon ng mga celebrities na may sexy image.
“Para po kasi sa ‘kin, ‘yung pagiging seksi, ‘di lang nakikita sa katawan or sa physical aspect.
“Ang pagiging sexy ay nakikita sa karakter ng isang tao. Uhm, kung paano dalhin ang kanyang sarili, kung paano n’ya i-voice-out ang opinion n’ya, kung paano s’ya nakapagbigay-inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng craft, sa pamamagitan ng, uhm, sa kung ano ang kaya niyang gawin,” mariing sabi ni Julie Anne.
Since it’s inception in 1988, may beauty queens, models, TV and movie actresses na ang GSM Calendar Girl.
Ilan sa kanila ay sina former Miss Universe Pia Wurtzbach (2019), Anne Curtis (2011), Yassi Pressman (2023) at Marian Rivera (2009 and 2014).
Last year’s GSM Calendar Girl ay si Heaven Peralejo.
Comments