Proud na proud sa mister… MARIEL, DEDMA SA HINALIKAN NI ROBIN SA THE HAGUE, TOGETHER AGAIN SA ‘PINAS
- BULGAR
- 2 days ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 13, 2025
Photo: Mariel at Robin Padilla - Instagram
Mukhang nonchalant at hindi naman apektado si Mariel Rodriguez-Padilla ng kumalat na picture ng mister na si Sen. Robin Padilla habang nasa The Hague, Netherlands ito na may hinalikang babaeng fan na nagpapiktyur sa kanya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mariel ng video na magkakasama sila ni Robin at dalawa nilang anak na babae bago umalis sa bansa ang senador para samahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands.
Ang mahabang caption ni Mariel sa kanyang video post, “Isa sa pinaka-proud ako kay Robin ay siya 'yung what people call a "PRESENT FATHER" sa mga anak niya. “Kaya naman everytime we get a chance to bond, even without our cameras ay napaka-hands-on niyang tatay to Isabella and Gab. “But, I know his heart. Gusto niyang mag-serve sa bayan, kaya as a wife, I support him even when it means na malayo siya sa amin for a while. “Nonetheless, kahit na cut ang Thailand trip naming family, I know we made lots of memories that the kids will cherish forever! “Tara, samahan n’yo kami sa pinakabagong adventure ng #TeamPadilla! 8pm tonight on my YT channel. “***all things that happened before he left for The Hague.”
Sa dami na ng pinagdaanan nina Mariel at Robin sa pagsasama nila, ngayon pa ba magiging selosa ang TV host?
Kung may higit na nakakakilala kay Robin, siyempre siya na ‘yun!
‘Di na kinaya ni Marjorie kaya iniwan…
DENNIS, WA’ NA SUSTENTO, NANANAKIT PA, JULIA, CLAUDIA AT LEON, PINAGMUMUMURA
Finally ay nasagot na nga ang tanong ng maraming nagtataka kung bakit ganu’n na lang ang treatment kay Dennis Padilla ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto kahit paulit-ulit pa siyang nagmamakaawa sa social media na pansinin naman nina Julia, Claudia at Leon Barretto.
Sa one-on-one exclusive interview nga kay Marjorie ni kapatid na Ogie Diaz sa YouTube vlog nito, ang daming rebelasyon ng dating aktres at talagang inugat niya kung saan nagsimula ang tampo o galit ng mga anak kay Dennis bago pa ang controversial na pambabalewala raw sa aktor-komedyante sa nakaraang wedding ni Claudia kay Basti Lorenzo nito lang April 8.
Isa nga sa mga mabibigat na ibinulgar ni Marjorie ay ang pagiging ‘abusive’ raw ni Dennis, hindi lang physically, financially kundi mas mabigat daw ‘yung verbal abuse na inabot niya rito at maging ng kanilang mga anak.
Kuwento ni Marjorie, “Dennis has an explosive temper. His voice alone, nanginginig na sila.”
Dagdag pa niya, “There are so many things na hindi n’yo alam na pinagdaraanan namin d’yan kay Dennis.”
May naging linya pa ang mom nina Julia, Claudia at Leon para kay Dennis na, “When I left you 18 yrs. ago… I suffered so much, physical abuse, financial abuse, verbal abuse was even worse to me than physical abuse. I will take the beating anytime, pero the verbal abuse, mura na hindi mo alam kung saan nanggaling ang words and terms.”
Halos once a year na nga lang daw tawagan ni Dennis ang mga anak, minumura pa raw sa telepono kaya nato-traumatized ang mga bata at nakakaapekto ‘yun sa kanilang mental health.
Isa pang ikinasasama raw ng loob ng mga anak kay Dennis ay gumagawa ito ng istorya at nagsisinungaling para kaawaan ng mga tao sa kanyang mga interviews habang nasisira naman at naba-bash sina Julia, Claudia at Leon.
One incident nga na ibinigay ni Marjorie ay ‘yung nagkita raw sina Dennis at Julia sa Viva Office at nagpa-interview ang dating mister para sabihing tinanggihan siyang yakapin ng anak dahil COVID pandemic that time.
Tinanong daw ni Marjorie si Julia kung totoong nangyari ‘yun at ang sagot daw ng anak, niyakap niya naman si Dennis that time at saksi pa nga ang handler ng komedyante, pero iba na nga ang ipinamalitang kuwento ni Dennis para makakuha ito ng simpatya.
May iba pang pangyayaring ikinuwento ni Marjorie na nagpapatunay na “atensiyon” at hindi raw magandang relasyon sa mga anak ang gusto ni Dennis.
Sinabi rin ni Marjorie na nag-start lang si Dennis na magalit at mag-demand sa atensiyon ng mga anak mula nang mag-artista na si Julia, samantalang sa loob daw ng 18 yrs., ni hindi naman ito nagsustento at si Marjorie raw ang mag-isang nagpalaki at nag-provide sa pangangailangan ng mga anak.
Hindi naman daw masasabing walang kinikita si Dennis dahil nagkaroon pa nga ito ng 2 o 3 pamilya pagkatapos nilang maghiwalay, pero ni hindi raw ito nagkusang mag-abot o magbigay para sa pangangailangan ng kanilang mga anak para sana naging good example raw ito bilang ama kahit kay Leon na lang.
Hinaing din ni Marjorie, kung hindi na nga raw nakakatulong si Dennis financially, ‘wag na lang sirain sa publiko ang mga anak niya, dahil si Julia nga raw, nawawalan ng endorsements tuwing nagpapainterbyu si Dennis at naba-bash ang aktres.
“Binababoy mo ang mga anak mo, sinisiraan mo sila,” halatang galit na sabi pa ni Marjorie.
Well, sana nga, tulad ng huling sinabi ni Dennis sa interbyu sa kanya ni Papa O (Ogie Diaz) na huli na niya ‘yung pagsasalita ay panindigan na rin niya ‘yun at baka sakaling lumambot pa ang puso ng mga anak at mapatawad siya pagdating ng panahon.
Tutal, may kasabihan namang “Time heals all wounds,” devah?!
Komentar