top of page
Search
BULGAR

Proud na proud pa sa hitsura ng GF… PIKTYUR NI ELLEN NA TULOG AT NAKANGANGA, IKINALAT NI DEREK

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 18, 2021




Sana nga, hindi lang si John Lloyd Cruz ang kunin ng Kapuso Network to do a TV series with Andrea Torres na ex ni Kapuso star Derek Ramsay.


Wish lang ni yours truly, pati ang ex ni Lloydie na si Ellen Adarna na now ay syota na ni Derek ay kunin na rin ng GMA-7 network, na siya rin namang ibig mangyari ng marami sa ating madlang pipol just for the sake of curiosity with matching intriguing factor on the side na talagang mangyayari if ever, weder some like it or not! Boom, 'yun na!


Inspired kasi si yours truly sa paggawa ng story/script na ang title ay EXCHANGING PARTNERS, na siyempre, ang mga bida ay ito ngang sina John Lloyd Cruz, Andrea Torres, Derek Ramsay at Ellen Adarna.


May eksena kasing ginawa si yours truly na split frame… na tipong nagkita nang 'di sinasadya sina Lloydie at Ellen at sa split frame ay sina Derek at Andrea naman, with matching background song na pinasikat noon ni Nonoy Zuñiga na ang lyrics goes, "Kumusta ka, ikaw ay walang ipinag-iba, ganyan ka rin nu'ng tayo ay huling magkita…tandang-tanda ko pa habang ako’y papalayo… tinitignan kita hanggang wala ka na…Kumusta ka, may ibang kislap ang iyong mga mata…halata na ang daigdig mo ngayon ay kaysaya…


"SIGURO NGA, NAGMAMAHAL KA NA NANG TOTOO (sinasabi ni Lloydie kay Ellen at si Andrea naman kay Derek), SIYA BA’Y KATULAD KO NU’NG TAYONG DALAWA…Tandang-tanda ko pa habang ako’y papalayo, tinitignan kita hanggang wala ka na…”

Oh, devah, swak na swak ang kantang ito para kina John Lloyd, Ellen, Derek at Andrea, 'di ba… 'di baaa?


And take note, if ever na mangyari ang wish ni yours truly na gawin nilang apat ang EXCHANGING PARTNERS, for sure, punumpuno ng kilig at intriguing factor ang kalalabasan nitey, sa true lang.


Yeah, sey n'yo Kapuso Network bossings?


'Yun nga lang, papayag kaya ang apat na magsama-sama sila sa isang teleserye or pelikula?


AND speaking of Derek and Ellen, ang daming aliw na aliw sa trip ng bagong magdyowa.


Grabe kasi ang asaran at prank nila sa isa't isa. Kundi siguro talaga nila lab na lab ang isa't isa ay magkakaroon sila ng pikunan.


Imagine, ang latest post ni Derek sa kanyang Instagram account ay ang picture ni Ellen habang natutulog sa kotse nang nakanganga.


At ang caption niya rito ay: "You know you really love someone when you don't freak out when you wake up to this in the morning!"


Wahhhh! Ganyan ba ang hitsura ni Ellen na namumulatan ni Derek sa umaga kapag gumigising siyang katabi ito?


In fairness kay Ellen, kesa mapikon sa kanyang malokong BF, ang reply lang nito sa comment section ng post ni Derek ay "Kaya patay na patay ka sa 'kin, eh!"


Naku, Derek, humanda ka kapag si Ellen na ang nag-trip at nag-prank sa 'yo! Makikita mo ang ganti ng isang api!!!!


Ganti ng api raw, oh!


O, siya, 'yun na lang muna and I thank you.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page