ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 7, 2025
Photo: Mark Herras - IG
Naging talk of the town si Mark Herras nang kumalat sa social media ang ginawa niyang pagsasayaw sa isang gay bar. Marami ang humusga at nanlait kay Mark. Bakit daw sobra niyang ibinaba ang kanyang pagkatao at tumanggap ng ganoong trabaho?
Pero, sa lahat ng natanggap niyang bashing, hindi nagpaapekto ang tinaguriang ‘Original Bad Boy ng Dance Floor’. Ginawa niya ‘yun upang itaguyod o buhayin ang kanyang pamilya at suportado si Mark ng kanyang wifey na si Nicole Donesa, na buntis ngayon sa pangalawa nilang anak.
Sa guesting ni Mark Herras sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at sa one-on-one interview niya sa Toni Talks (TT) ni Toni Gonzaga, naipaliwanag nang mabuti ni Mark Herras ang kanyang sitwasyon. At hindi niya ikinahihiya o pinagsisisihan ang kanyang
pagsasayaw sa gay bar!
Katwiran ni Mark, “Trabaho lang ‘yun.”
Pero may ilang netizens ang nagsabing baka raw gayahin din si Mark ng ilang aktor na wala ngayong shows na pinagkakakitaan?
Tumumal ang mga projects sa TV at pelikula simula noong nagkaroon ng COVID pandemic, at maraming artista ang naapektuhan.
So, kung tinanggap ng publiko ang pagsasayaw ni Mark Herras sa gay bar, tiyak na may mga aktor na maeengganyo na tularan siya.
MARAMING nagulat nang mapanood ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa seryeng Mga Batang Riles (MBR). Mukhang sineseryoso nang husto ni Ai Ai ang kanyang career. Gusto niyang maging abala, kaya tanggap nang tanggap ng mga shows.
Ngayong hiwalay na sila ni Gerald Sibayan, mas makakapag-concentrate na siya nang husto sa kanyang career. Hindi na niya kailangang magmadali upang bumalik sa USA. Mahaharap na niya ang kanyang career at makababawi na sa mga oportunidad na kanyang pinakawalan.
Bagama’t masakit pa rin kay Ai Ai ang paghihiwalay nila ni Gerald, na nakarelasyon niya ng 10 years, unti-unti ay natatanggap na niya ang kanyang kapalaran.
At sa tulong ng kanyang mga anak, kaibigan at mga kasamahan sa showbiz, naka-move on na ang Comedy Queen.
Bukod sa mga regional shows ay mabenta rin si Ai Ai sa mga campaign rallies.
Malaking tulong din kay Ai Ai ang kanyang pagsu-Zumba at pag-aaral ng dance lessons.
Nalilibang na siya, lumalakas pa ang kanyang resistensiya.
Ang inaabangan ngayon ng lahat ay ang posibleng paghaharap at showdown ni Ai Ai at ng kanyang ex-husband kapag sila ay nagkita.
MARAMI ang natuwa nang ma-feature sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang isang “Pinay Barbie” from Batangas. Talagang mistula siyang buhay na “Barbie Doll” dahil lahat ng damit at gamit niya ay Barbie-inspired.
Bata pa raw ang Batangueñang Barbie ay nangongolekta na siya ng mga Barbie items. At nang tanungin siya ng staff ng KMJS kung sino ang aktor na crush niya at gustong makapareha, ang tsinitong si David Licauco ang kanyang pinili.
At bilang sorpresa, dumating si David upang siya ay ma-meet nang personal.
So, dalawa na ang ‘Barbie’ sa buhay ni David ngayon. BarDa rin ang magiging pangalan ng kanilang tambalan sakaling mag-artista rin ang Barbie ng Batangas.
Pumayag naman kaya ang mga fans nina Barbie Forteza at David Licauco na may isa pang ‘Barbie’ na makikigulo sa kanilang love team?
May mga nag-suggest naman na mag-guest sina Barbie Forteza at David Licauco sa isang show at isama ang “Barbie” ng Batangas.
BarDa vs. BarDa ang laban!
BONGGA ang finale episode ng seryeng Lilet Matias: Attorney at Law (LMAAL) ngayong Biyernes dahil ang Primetime King na si Dingdong Dantes ang special guest na gaganap sa isang mahalagang role.
Masaya pero malungkot ang buong cast ng LMAAL sa kanilang paghihiwa-hiwalay. Halos mahigit isang taon din silang nagkasama-sama sa set.
Ang major cast na sina Jo Berry, Maricel Laxa, Glenda Garcia, Rita Avila, Lloyd Samartino, Bobby Andrews, Troy Montero, Sheryl Cruz at Jason Abalos ay mami-miss ang kanilang masayang bonding sa set ng serye. Madalas ay nagse-share sila ng pagkain at nagti-TikTok.
Samantala, sobrang thankful si Jo Berry dahil tinanggap siya ng buong cast at tinulungan sa mahihirap na eksena.
Nagpapaabot din siya ng pasasalamat sa mga big bosses ng GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan.
Comments