ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 29, 2024
Photo: Seth at Francine Diaz - IG Seth Fedelin
Until now, best friends pa rin ang turingan ng magka-love team na sina Seth Fedelin at Francine Diaz.
Sa grand mediacon ng kauna-unahan nilang tambalan sa big screen, ang My Future You (MFY), ay natanong sila kung aamin kaya sila kapag naging sila na officially.
Ayon kay Seth, deserved ni Francine na maipagmalaki bilang girlfriend niya.
“Ipapa-billboard ko po,” sigaw ni Seth.
Pahayag ni Francine, “Oo naman po, uhm, kung mangyari man. Pero hindi po ibig sabihin na porke’t aaminin namin ‘yung relationship, eh, hahayaan na lang namin na maging curious ang mga tao sa kung ano'ng meron kami.”
Para kay Francine kasi, sagrado ang love at ayaw niyang may nakikialam na iba sa relasyon niya, lalo na’t ‘di naman niya kapamilya.
Pero sa ngayon, parehong aminado sina Seth at Francine na sana, sila na ang maging future partner in life ng isa’t isa. Kaya naniniwala si Seth na malapit na niyang maangkin ang kanyang “future you.”
“Yes,” ani Seth. “Bakit ko nasabing malapit na? Kasi ‘di na ako lalayo, eh.
“Pero may isang pangako lang ako na gusto kong tuparin, ‘yung pangako ko sa mga magulang ni Chin (nickname ni Francine). Alam naman natin na hindi biro ang samahan namin.
“Hindi po biro ang pinagdaanan ko na makaabot ulit dito sa nahahawakan ko ‘yung kamay ni Francine, ‘di po biro. At ‘yun po ang goal ko, na gusto kong maramdaman nina tito at tita na safe si Francine sa ‘kin.”
Hindi naman daw sila nagmamadali. Ang mahalaga kay Seth sa ngayon ay ang tiwalang nakuha niya sa mga magulang ni Francine.
Ang MFY ay mula sa Regal Films na pinamamahalaan ngayon ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde at sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino.
Ipapalabas ito sa December 25 bilang isa sa mga opisyal na entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
SUCCESSFUL ang 40th anniversary concert ng singer-actor na si Raymond Lauchengco titled Just Got Lucky sa The Theatre at Solaire noong nakaraang Sabado.
Sinuportahan si Raymond sa kanyang concert hindi lang ng mga fans niya sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
One of his loyal fans ay nagsama pa ng 30 katao mula sa Ilocos Sur at isinakay ng eroplano para manood ng concert ni Raymond.
May fan din sa US si Raymond na hindi makakauwi ng Pilipinas para manood. Instead, bumili na lang siya ng 10 tickets at ipina-reserve ang mga upuan na parang nandoon din siya sa venue.
Samantala, maaga pa lang ay nasa venue na si Aga Muhlach kasama ang kanyang misis na si Charlene Gonzales. Magkasama sila noong gumawa ng teen-oriented movie na Bagets.
During the finale song ni Raymond, ang Just Got Lucky, umakyat sa stage si Aga at ang iba pang Bagets co-stars niya sa Part 1 na sina Herbert Bautista, Eula Valdes, Cheska Iñigo, at Ramon Christopher.
Hindi napigilan ni Aga na kumanta on stage sa chorus ng Just Got Lucky. Pagkatapos ng kanta, sinabi ni Aga na akala niya ay papakantahin siya ni Raymond on stage, dismayado ito dahil mukhang naghanda siya ng hindi lang isa kundi apat na kanta.
Anyway, sinorpresa si Raymond ng Concert King na si Martin Nievera na kadarating lang mula sa airport tatlong oras bago ang concert.
Special request ni Raymond si Martin na maging bahagi ng 40th anniversary concert niya. Sad to say, may show si Martin sa Europe at nakatakdang bumalik sa Manila sa mas huling petsa.
Pero na-rebook ni Martin ang kanyang flight nang mas maaga kaya nakauwi siya sa araw ng concert ni Raymond, which was indeed a big surprise for the latter.
Feeling blessed din si Raymond to have Megastar Sharon Cuneta na maging bahagi ng concert niya kahit may concert tour din ito sa US.
Hindi puwedeng mawala si Mega sa concert ni Raymond dahil si Sharon ang nakadiskubre sa kanya para pasukin ang showbiz.
At the end of the concert, another surprise ang gumulat kay Raymond. Binati siya ng kanyang dalawang anak on stage na may dalang birthday cake.
Magse-celebrate kasi si Raymond ng kanyang ika-59 na kaarawan ilang araw matapos ang concert.
So, next year ay senior citizen na si Raymond Lauchengco, pero he still looks young and debonair.
Kommentarer