ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 10, 2024
Photo: Instagram @claubarretto
Ayon sa ilang reports ng ilang showbiz Marites ay kaibigang matalik daw ni Claudine Barretto ang kamamatay lamang na mayor of Pagsanjan, Laguna at misis ni dating Laguna Governor E.R. Ejercito na si Maita Sanchez na dating artista rin.
Nagpakita raw ng malasakit at taos-pusong suporta ang aktres sa pamilya ni Mayor Maita.
Sa pagpanaw ni Maita, nangako si Claudine na aalagaan ang mga anak ng kanyang matalik na kaibigan.
“Kamakailan, personal na pumunta si Claudine sa Pagsanjan, Laguna upang makiramay sa pamilya ni Maita. Hindi naitago ni Claudine ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng kaibigan, na tila isang malaking kawalan para sa kanya.
“Sa kanyang pagbisita sa Pagsanjan, nagbahagi siya ng mga salita ng pakikiramay at nagpakita ng taos-pusong pagdamay sa mga naulila ni Maita.
“Isa sa mga pinakamahalagang pahayag ni Claudine ay ang kanyang pangako na aalagaan ang mga anak ni Maita. Para sa kanya, hindi natatapos ang kanyang pagkakaibigan kay Maita kahit sa kanyang pagpanaw. Sa halip, mas lumalalim ang kanyang malasakit sa pamamagitan ng pag-akap sa mga anak ng yumaong kaibigan bilang sariling mga pamilya.
“Aalagaan ko ang mga anak ni Maita,” ani Claudine, na nagpatibay ng kanyang pangakong susuportahan ang pamilya ng kaibigan sa kabila ng kanilang kalungkutan.
Well, that's what you call real friendship, sa true lang.
Isang taos-pusong pakikiramay rin mula sa amin dito sa Bulgar sa pamilyang naiwan ni Mayor Maita lalo na kay former Laguna Governor E.R. Ejercito.
SAKSIHAN ang pinakamagandang araw sa daigdig dahil nakatakdang ipalabas ang 73rd Miss Universe ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 17 (Linggo) simula 9 AM.
Sabay-sabay nating suportahan ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, ang kauna-unahang Pinay representative na may Afro-American descent. Sundan ang kanyang journey sa pakikipaglaban sa iba’t ibang mga reyna para sa prestihiyosong titulo ng Miss Universe.
Ngayong taon, naglabas na rin ang Miss Universe Organization ng bagong format ng kompetisyon. Mula sa 130 na kandidata, 30 lang ang aabante sa pageant at 12 lang ang magpapaligsahan sa evening gown portion. Mula sa 12, tanging limang binibini ang matitira at magpapakitang-gilas sa question and answer round.
Para matulungang makapasok si Chelsea sa Top 30, maaaring i-download ang Miss Universe app sa mobile devices at pindutin ang “Philippines”.
Masungkit kaya ni Chelsea ang korona bilang Miss Universe?
Abangan sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.
Mapapanood din ang same-day replay simula 8:30 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel at iWantTFC. Magpapalabas ng iba pang mga replay ang Metro Channel sa Nobyembre 18, 7:30 PM, at 23, 8:30 AM.
Comments