ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Sep.19, 2024
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paggamit ng P7.9 billion pondo para sa national immunization program ng Department of Health.
Kaugnay nito, inanunsiyo ng DOH na magsasagawa ito ng “Bakuna-Eskwela” katuwang ng Department of Education sa October 7.
Isasama ang mga estudyante mula Grade 1, 4, at 7 sa lahat ng public school sa buong bansa, at kung papayagan ng kanilang mga magulang ay babakunahan sila kontra sa human papillomaviruses (HPV), measles, rubella, tetanus, at diphtheria.
☻☻☻
Suportado natin ang Bakuna-Eskwela program upang maparami ang mga batang may vaccination laban sa mga malalang sakit.
Nabigo kasi ang DOH sa target nitong mabakunahan ang 95 percent ng mga Pilipinong bata.
Sa kasalukuyan ay nasa 71 percent lamang ng mga bata sa buong bansa ang bakunado.
☻☻☻
Dahil sa Dengvaxia controversy ay maraming magulang ang nagkaroon ng takot na mapapahamak ang kanilang anak kapag nabakunahan ang mga ito.
Ngunit pinatutunayan ng nagdaang pandemya na tunay na mabisa ang mga vaccines.
Mahalagang bigyang-diin ng pamahalaan ang pagkaepektibo ng bakuna sa malawakang information drive para mawala ang vaccine hesitancy ng ating mga kababayan.
Kailangang magtulungan ang pambansa at lokal na pamahalaan upang pawiin ang pangamba at misinformation na bumabalot sa mga bakuna.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Commentaires