@Buti na lang may SSS |December 17, 2023
Dear SSS,
Magandang araw! Mayroon akong SSS salary loan sa previous employer ko at hindi ko ito naipakaltas sa aking kasalukuyang employer. Dahil dito, hindi ko nabayaran ang aking loan mula noong 2018. Kaya nag-aalala ako na baka malaki na ang penalty nito.
Mayroon bang condonation program ang SSS ngayon?
Salamat. — Rocky, Quezon City
Mabuting araw sa iyo, Rocky!
Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) batay sa SSS Circular No. 2022-022 upang tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Ang tinutukoy na past due ay loan na hindi nabayaran ang mahigit sa tatlong buwanang amortization o loan na hindi nabayaran matapos ang maturity nito.
Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.
Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.
Samantala, Rocky may dalawang payment option sa ilalim ng Conso Loan. Una, maaari mong bayaran nang buo o one-time full payment ang prinsipal at interes. Pangalawa, maaari mo rin itong bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse sa pamamagitan ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng iyong pagkakautang.
Para sa kapakanan ng ating mga miyembro, heto ang talaan ng halaga ng pagkakautang at haba o payment terms na kinakailangang sundin para sa pagbabayad ng kanilang mga loan:
Hindi mo na rin kailangang magtungo sa sangay ng SSS sa pag-file nito sapagkat maaari mo na itong gawing online gamit ang iyong account sa My.SSS. Kaya dapat tiyakin mong may account kang nakarehistro na sa My.SSS.
Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account.
Comentarios