top of page
Search
BULGAR

Problemado sa pang-tuition ng mga anak

Dear Roma Amor - @Life & Style | August 1, 2020




Dear Roma,


Tawagin mo na lang akong Tere, may tatlong anak ako at dalawa sa kanila ay nag-aaral pa. Ang panganay kong lalaki ay nagtatrabaho na at tumutulong sa aming mag-asawa. Namomroblema ako ngayon dahil may utang pa ako sa tuition ng pangalawa kong anak. Kailangan na niyang mag-enroll sa college, pero wala kaming kapera-pera dahil noong lockdown, natigil sa trabaho ang mag-ama ko. Naaawa ako sa mga anak ko dahil kung hindi sila makapag-e-enroll ngayon, sayang naman ang panahon, gayung masisipag silang mag-aral at maganda naman ang kanilang grades. Isa pa, dahil dalawa silang mag-aaral, dapat na rin akong maghanap ng magagamit nilang computer. –Tere


Tere,


Hindi ka nag-iisa dahil malamang, marami ring ina na tulad mong problemado para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Pero ‘wag kang mawalan ng pag-asa dahil tulad ng sinabi mo, maganda ang grades ng mga anak mo, mag-apply kayo ng scholarship. Marami pa r’yan ang tumatanggap ng scholar at tiyak na makakahanap din kayo. Hindi man full scholarship, at least, may matitipid kayo. Malalampasan n’yo rin ‘yan. Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page