top of page
Search
BULGAR

Problemado sa BF na nawalan ng trabaho

Dear Roma Amor | July 6, 2020




Dear Roma,


Tawagin mo na lang akong Reede, 23. May boyfriend ako at nang nagsimula ang lockdown, nawalan siya ng trabaho dahil tumigil sa operation ang resto na pinagtatrabahuhan niya. Ngayong open na ulit ang resto, nagbawas naman ng empleyado ang kanilang boss, pero nakasama siya sa lay-off. Ngayong tambay siya, napansin kong naging sensitive siya pagdating sa topic na trabaho. Tuwing tinatanong ko kung may plano na siyang maghanap ng lilipatan, parang naiirita siya at ayaw niyang pag-usapan. – Reede


Reede,


Sa panahon ngayon, masakit at mahirap mawalan ng trabaho. Kung feeling mo ay ayaw niyang pag-usapan ang susunod niyang mga plano, hayaan mo muna siya. Baka kailangan niya pa ng time mag-adjust at tanggapin na wala siyang kayod. Ang magagawa mo ngayon ay suportahan siya at ipaalala na magkakaroon din siya ng pagkakakitaan. Tiyaga at pasensiya lang, Reede. Kaya niyo ‘yan, good luck!

0 comments

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page