top of page
Search
BULGAR

Problemado dahil ‘di mabalanse ang work from home at pagiging tita

Dear Roma Amor - @Life & Style | August 10, 2020




Dear Roma,


Itago mo na lang ako sa pangalang Mae. Nahihirapan kasi ako sa sitwasyon ngayong pandemic dahil working from home ako. May ate ako na may anak, tapos madalas wala siya sa bahay dahil pumapasok siya sa opisina. Ang nangyayari, ako ang naoobligang mag alaga sa anak niya, Roma. Minsan, nakakainis na dahil hindi ako makapag-focus sa trabaho ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi naman ako makapagsabi sa kanila na huwag ako ang obligahin dahil may trabaho kasi sigurado akong ‘di naman nila maiintindihan. Minsan ko na ring sinabi ‘yun sa iba ko pang mga kapatid, Roma pero nagalit lang sila sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin para mabalanse ko ang pagiging tita habang naka-work from home? –Mae


Mae,


Totoong mahirap balansehin ang trabaho at responsibilidad sa bahay, lalo na kung hindi ito nauunawaan ng mga kasama mo sa tahanan. Mabuting ipaliwanag mo sa iyong kapatid na hindi sa lahat ng oras ay puwede kang mag-alaga. Siguro kasi, nasanay siya na palagi kang nand’yan, kaya akala niya ay okay lang. Mahalagang maipaunawa sa kanya na may sarili kang responsibilidad na dapat gampanan, gayudnin, kailangan mo lang itong pag-isipan kung sa paanong paraan. Sa ngayon, kung ano ang oras na kayang mong ibigay sa pamangkin mo, ‘yun lang ang iyong ilaan para hindi siya masanay na palagi kang available. Okie? Good luck!

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page