detalyadong listahan ng mga naipamigay na gadgets.
ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 13, 2021
Napakahalaga ng edukasyon, kaya kahit new normal na ano’ng paraan man ito, tuloy ang edukasyon o pag-aaral ng mga bata. At ayon nga sa DepEd, modular distance learning ang piniling opsiyon sa Basic Education-Learning Continuity Plan ng nasa mahigit siyam na milyong estudyante ngayong school year.
Sa modular learning, puwedeng printed o digital ang gamitin sa mga module. Eh, base sa pahayag ng DepEd, maraming magulang at estudyante ang pumili sa mga naka-imprentang module kasi nga maraming walang gadget, tulad ng laptop at tablet. Kung matatandaan ninyo bago pa man mag-pandemya, mega-push na tayong mabigyan ng libreng gadget ang mga estudyante at guro.
Sa panig ng DepEd, aminado silang malaking hamon sa kanilang pondo ang pagpapa-imprenta ng mga modules. Daing ng DepEd, mahal o mas magastos ito, unang-una sa papel, na may negatibong epekto rin sa environment — magastos sa ink, gayundin sa maintenance ng mga printing machines na napakahirap umanong imentina.
Kaya pinu-push ng DepEd ang gradual na pag-digitize na ng edukasyon sa Pilipinas, lalo na’t maraming bansa na rin ang gumagawa nito ngayong may pandemya at mas matipid pa nga raw.
Sa harap nito, gulantang tayo sa laki ng inihirit na pondo ng DepEd na nasa P11.3 bilyon para sa kanilang computerization program, mula sa kasalukuyang P5.6 bilyon. Mahigit pa sa doble ‘yan, ang laki, ha? Eh, hindi malayong mapagsuspetsahan ‘yan ng publiko.
Katwiran naman ng DepEd mula sa 37,221 computer packages nila ngayong taon, target nila itong itaas sa 109,140. At take note, nilinaw nilang hindi pa naidi-distribute ang lahat ng mga ito dahil katatapos lang ng bidding process?! Juicekoday, ano’ng petsa na?!
Noong 2019, inihayag ng ahensiya na nasa 3,800 ang computer packages na nai-deliver nila at 36,679 nga raw noong 2020. Sa ganang atin, hindi maitatangging mapagdududahan ang bagong hirit na badyet ng DepEd, pero para maalis ‘yan, IMEEsolusyon na ilabas ng ahensiya ang detalyadong listahan ng mga naipamahagi nang mga gadgets.
Agree tayo sa paglipat ng modular learning tungo sa digital, basta masiguro lang na transparent sa pondo, suportado natin ang badyet na ‘to. Saka IMEEsolusyon naman, eh, sana nga ay magawan na ng paraan ng DICT, NTC at telcos ang mabilis na connectivity, lalo na’t ang medium ng education sa iba’t ibang bansa ay digital na. Kaya natin ‘to! Pak!
Opmerkingen