top of page
Search
BULGAR

Problema sa food waste at gutom tatalupan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 23, 2023



Naaalarma tayo sa lumalalang problema ng food waste sa bansa.


Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), noong 2019 lang ay nasa 930 million tons ang food waste ng bansa.


Dagdag pa nila, 39% ng pamilyang Pilipino ang may rice waste, 11% ang may vegetable waste, at 8% ang may meat waste.


☻☻☻


Napakaraming pagkain ang nasasayang.

Ngunit ang mas malala, sa harap ng ganitong pagsasayang ay milyun-milyon ding pamilyang naghihikahos at hirap na punan ang kanilang pangangailangan sa pagkain.


Ayon sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS), 11.8% o tinatayang tatlong milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom at walang makain sa huling quarter ng 2022.


Base naman sa Global Hunger Index, pang-69 ang Pilipinas sa 119 bansa sa hunger indigence.


Ibig sabihin daw nito, ani DOST, may matinding pagkagutom na dinaranas ng maraming pamilya sa bansa.


☻☻☻


May masamang epekto rin ang food waste sa climate change.


Ayon sa World Bank, nasa 8% percent ang inaambag sa greenhouse gas emissions dahil sa food loss and waste.


☻☻☻


Nais nating mabigyan ng solusyon ang sanga-sangang problema na ito.


Kaya, naghain tayo ng resolusyon ngayong linggo na nagpapatawag ng imbestigasyon sa problema ng food waste.


Umaasa tayo na sa tulong ng Senate Resolution No. 555 ay makakapagpresenta tayo ng mga polisiya na magreresolba sa isyung ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page