top of page
Search
BULGAR

Problema sa baha, lalala.. Reclamation projects sa Manila Bay, stop, pwera sa isa — P-BBM

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2023




Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang lahat ng Manila Bay reclamation projects maliban sa isang hindi pinangalanang proyekto habang ang iba ay nirerebyu pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


"Nakasuspinde lahat... under review ang lahat ng reclamation. 'Yung isa lang ang natuloy dahil na-review na. Maraming problema, marami kaming nakitang hindi masyadong maganda ang patakbo," pahayag ni Marcos sa situation briefing sa Bulacan noong Lunes.


"But anyway, isa pang malaking problema na kailangan ayusin 'yan. Kasi kung matuloy lahat 'yan, maraming ilog mababara," wika pa ng Pangulo.


Hindi tinukoy ni Marcos kung aling mga proyekto ang sinuspinde, ngunit ikinalungkot nito na maaaring mawala ang dagat sa kahabaan ng Roxas Boulevard dahil sa mga reclamation projects.


Nabatid na sinasabing nakasunod na sa requirements ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at DENR ang Manila Waterfront Reclamation Project.


Ayon sa PRA, aabot sa 22 reclamation project ang nakalinya sa Manila Bay kung saan tatabunan nito ang 6,700 ektarya ng dagat.


Kaugnay nito, ikinatuwa naman ni Senador Cynthia Villlar ang pagsuspinde ng Pangulo sa Manila Bay reclamation na posibleng nakapagdulot umano ng matinding pagbaha sa kanyang siyudad sa Las Piñas.


"I am happy that Pres. Marcos is suspending the reclamation in Manila Bay. This is good news to us who are afraid of ill effects of reclamation which will cause massive flooding in our cities," wika ni Villar.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page