top of page
Search
BULGAR

Problema sa airport, solusyunan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | January 4, 2023


Hindi fireworks, kundi matinding problema ang pumutok at bumulaga sa sambayanan sa mismong New Year’s Day pagkatapos ng “air traffic system failure” sa Ninoy Aquino International Airport.


Nasa 56,000 pasahero at daan-daang flights ang naapektuhan dahil sa outage ng Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng NAIA.


☻☻☻


Hindi magandang simula ang pagkalumpo ng NAIA para sa bansa.


Sa taon na tina-target natin ang muling pagsulong ng turismo, paano natin mapapupunta ang mga bisita para madiskubre ang bansa kung may pangambang maaantala ang kanilang plano dahil sa hindi maayos na transportasyon?


Magiging host ang bansa sa iba’t ibang international events ngayong taon, kasama na ang 2023 FIBA World Cup.


Sayang ang pagkakataong dala ng ganitong events kung hindi natin maisasaayos sa lalong madaling panahon ang iba’t ibang isyu na kinahaharap ng ating airport at iba pang porma ng public transportation.


☻☻☻


Kaugnay nito, nananawagan tayo sa Department of Budget and Management na tulungan ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa pagkalap ng pondong kinakailangan upang agarang matugunan ang pag-upgrade at pag-augment ng mga system at equipment sa ating mga airport.


Mahalaga rin na magkaroon ng full audit ng lahat ng power, navigational at communications equipment sa lahat ng airport para malaman natin kung alin ang kailangang ayusin o palitan.


Wala talagang mangyayari kung hindi mapopondohan ang mga ito at hindi natin malulutas ang matinding setback na ito sa ating tourism prospects.


Kailangan natin itong maumpisahan ngayong taon, kaya importanteng makahanap ang Executive Department ng funding source para agad na nating mabigyan ng solusyon ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page