— Sen. Drilon
ni Mary Gutierrez Almirañez | March 22, 2021
Inilabas ni Senator Imee Marcos ang nakitang draft ng Administrative Order mula sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 na papipirmahan umano kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan nakasaad na pinagbabawalan ang ilang pribadong kumpanya na direktang bumili sa manufacturer ng COVID-19 vaccines, ayon sa panayam kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ngayong umaga, Marso 22.
Aniya, "Sinasabi nila na bawal 'yung mga kumpanya na gumagawa ng sigarilyo, 'yung gumagawa ng alak, ‘yung gatas. Bawal po ‘yan. Unang-una, may kasunduan po ang mga private company at saka ang gobyerno at pati manufacturer na 50% ng imported ay ido-donate sa gobyerno, and yet ipinagbabawal nila.”
Batay sa ulat, kabilang sa mga pinagbabawalang bumili ng sariling bakuna ay ang kumpanya ng sigarilyo, alak, gatas, asukal at soda na kung matatandaa’y kasama sila sa nag-donate ng mahigit P8.018 bilyong halaga para matugunan ang pandemya noong nagsisimula pa lamang ang lockdown sa bansa.
“Pangalawa, itong mga kumpanyang ito ay siya ring nagbabayad ng buwis. Ang laki ng buwis na ibinabayad nila... Ako mismo ang nagpasa ng batas tungkol sa Sin taxes. And yet, sasabihin, hindi kayo puwede magbigay ng bakunang libre sa inyong mga empleyado.”
Dagdag pa niya, “Talagang kapalpakan. ‘Di na nag-iisip itong taga-DOH at IATF... Maraming namamatay dahil sa incompetence nitong mga taong ito."
Giit naman ni former Health Secretary and Iloilo Representative Janette Garin, "It shouldn't even be considered. We're talking about public health here.
Draft or not, we should be inclusive to achieve herd immunity. Who is manipulating the department? Who is controlling, Duque?” Tanong pa nito, “Kaya n'yo bang buhayin mga pamilya nila? Kaya n'yo ba silang pagkagastusan sa gitna ng hirap ng buhay? Are you willing to give your whole salary to them so they may subsist everyday? Importante para sa ating mga kababayan na kumita. Pati ba naman kung saan sila nagtatrabaho ay gagawing hadlang sa kanilang hinaing na maging ligtas mula sa COVID?” Sa ngayon ay wala pang pahayag ang NTF hinggil sa lumabas na draft ng Administrative Order.
Komentar