ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 15, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_331e1832e114475db26cdb9e7d4d9afe~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/1ae136_331e1832e114475db26cdb9e7d4d9afe~mv2.jpg)
Inanunsiyo ng Australian Prime Minister na si Anthony Albanese ang kanyang engagement sa social media platform na X.
“She said yes,” saad ng 60-anyos sa post.
Sa ilalim ng anunsiyo, nag-post siya ng isang selfie na kuha noong Valentine’s Day, kasama ang kanyang fiancé na si Jodie Haydon.
Nakasuot si Haydon ng damit na emerald green at nakalapat ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, na may engagement ring sa kanyang daliri.
Si Albanese ang unang Australian prime minister na na-engage habang nasa tungkulin, ayon sa public broadcaster na ABC.
“Love is a beautiful thing. I’m so happy for you both!” saad ni Foreign Minister Penny Wong sa post bilang pagbati sa engagement.
Agad namang dumagsa ang mga pagbati kina Albanese at Haydon mula sa iba pang mga pulitiko ng Australia at kilalang celebrity chef na si Nigella Lawson.
Comentarios