top of page
Search
BULGAR

Price freeze inihihirit sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike

ni Jasmin Joy Evangelista | October 27, 2021



Ramdam ng ibang industriya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo kaya nanawagan ang ilang mambabatas na magpatupad na ng price freeze.


Marami na umano sa mga miyembro ng Confederation of Truckers Association of the Philippines ang tumigil mag-operate dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.


"Ang mga trucks kasi normally na kinukuha 'yan ng mga operator only on utang basis sa mga financing, sa bangko, at nagbabayad kami on a monthly amortization so sa hirap ng biyahe sa port at sa hirap ng operations at sa taas ng expenses na na-incur namin along the way hindi na ma-sustain 'yung amortization," ayon kay Maria Zapata, direktor ng grupo.


Samantala, naghain na ang Makabayan bloc sa Kamara ng panukalang patawan ng price freeze ang mga pangunahing produkto na kasali sa Price Act kagaya ng bigas, tinapay, mga de-lata, karneng baboy, baka at manok, at maging mga sabong panlaba.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page