ni Mary Gutierrez Almirañez | March 8, 2021
Magpapatuloy ang price cap sa karne ng baboy at manok sa Metro Manila hanggang sa ika-8 ng Abril, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.
Batay sa tala ng DA, ang mga presyo ay tinatayang P270 kada kilo sa kasim at pigue ng baboy, habang P300 kada kilo sa liempo. Aabot naman sa P160 kada kilo ang manok.
Ipinatupad ang price cap dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng African Swine Fever (ASF) na nakaapekto nang sobra sa produksiyon ng karne sa bansa.
Sa ngayon ay hindi na nagsasagawa ng pork holiday ang mga vendors mula sa iba’t ibang palengke, sa halip ay napipilitan na lamang silang magtaas ng presyo upang mapunan ang itinakdang price cap.
Comments