ni Mai Ancheta @News | September 25, 2023
Maaari na umanong alisin ng gobyerno ang price cap sa bigas dahil bumababa na ang presyo nito sa pamilihan, ayon sa Grains Retailers Confederation of the Philippines (GRECON).
Ayon kay Orly Manuntag, tagapagsalita ng samahan, bumababa na ang presyo ng bigas dahil dumarami na ang supply kaya pwede nang alisin ang price ceiling.
"Maganda 'yung daloy natin dahil maganda na po 'yung harvest, nagsisimula na, papasok na tayo sa ating peak season ng harvest," ani Manuntag
Nakatulong aniya sa pagbaba ng presyo ng bigas ang itinakdang buying price sa palay nitong nakalipas na linggo.
Naniniwala ang grupo na patas ang buying price na itinakda ng gobyerno at protektado ang mga magsasaka dahil kikita sila sa bagong presyo ng wet at dry palay.
Comments