top of page
Search
BULGAR

Pribadong ospital, bibili ng sariling COVID-19 vaccine

ni Lolet Abania | February 13, 2021




Nagpahayag ng pagnanais ang ilang pribadong ospital na bumili ng sarili nilang COVID-19 vaccine sakaling hindi maging sapat ang alokasyon ng gobyerno para rito.


Sa isang interview kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), sinabi niyang naghahanda na ang mga private hospitals para sa inaasahang vaccines habang may ilang ospital na nagsimula nang gumawa ng kanilang master list.


Gayundin, tumaas sa 70 porsiyento ang mga private health workers na nais magpabakuna. "Noong una, talagang merong hesitancy, even health workers. Pero ngayon po, medyo nadi-disseminate na po natin ang mga impormasyon na kailangan talaga natin ng bakuna at hindi talaga ito delikado, at mas makakatulong sa atin.


Ngayon po, mas marami na ang nag-a-agree na sila ay mabakunahan," sabi ni De Grano. Gayunman, tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez na sasagutin ng pamahalaan ang mangyayaring inoculation program para sa lahat ng Pinoy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page