top of page
Search
BULGAR

Presyo ng mga purified water at iba pang pangunahing produkto, bantayan!

ni Imee Marcos - @Buking | July 6, 2020


Nasa gitna na nga tayo ng krisis at maraming nawalan ng trabaho, nagmahal ang singil sa kuryente at tubig, pati ba naman ‘yung basic na purified water, nagmahal na rin?


‘Kalokah mga frennie, wala nang mura ngayon at wala nang konsiderasyon kahit na katiting ang mga ganid na negosyante! Nagtataka naman ako, ‘yung kalimitang ibinibentang 5-gallon na water container ng purified water, eh, tumaas ang presyo, nasa P30 hanggang P35 pesos na ngayon!


Ang nakakaloka pa, meron din namang water refilling station na nagbebenta ng P25 lang. Ang tanong, ano naman ba ang pinagkaiba? Saka isa pang tanong, malinis ba talaga ‘yan?


Heler, dami akong reklamong nalaman sa mga water refilling station na hindi lang sa mataas ng presyo ng purified water, kundi ang maruming lalagyan ng tubig kasi nga mukhang hindi maayos ang pagkakahugas. Naku ha, nakakabahala naman ‘yan!


Sana naman ay remedyuhan agad ito ng Department of Trade and Industry (DTI). Nasa gitna tayo ng pandemic at ang kalusugan ng bawat isa ang mahalaga, kaya dapat sugurado rin tayo sa binibili at iniinom nating tubig mula sa mga water refilling station. Dapat sigurong magtakda na rin ng SRP para sa tubig.


Hiling din natin na dapat magsagawa ng regular na inspeksiyon sa mga water refilling station para matiyak na sumusunod ang mga ito sa kautusan tulad ng pagpapaskil ng sanitary permit kabilang na ang resulta ng monthly bacteriology water examinations. Dapat masigurong regular na pinapalitan ang kanilang mga filter sa tubig dahil talagang delikado ‘yun sa kalusugan ng kanilang mga customers.


Bigyan din dapat ng proper seminar at training ang mga empleyado ng mga water refilling station lalo na ngayong panahon na patuloy ang COVID-19. Super important ang maayos na paghuhugas ng water container, pagsusuot ng proper working garment at personal protective gear tulad ng hairnets, face mask at apron sa loob ng water refilling station.


Ang tubig ay buhay, kaya siguraduhin nating malinis ang ating inuming tubig at dapat masigurong hindi nasusuba ang bayan sa presyo nito lalo ngayong dumaranas tayo ng matinding kahirapan. DTI, plis lang, tugunan nyo agad ang problemang ito!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page