top of page
Search
BULGAR

Presyo ng mga bilihin, ‘wag na sanang magtaas

ni Ryan Sison @Boses | Nov. 29, 2024



Boses by Ryan Sison

Marami sa ating mga kababayan ang nangangamba na bigla na lamang magtaas ang mga bilihin gaya ng pagkain, lalo’t nalalapit na rin ang Kapaskuhan. 


Kaya naman tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon.


Ayon kay DTI Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque, para sa mga presyo ng basic goods, walang price increase sa mga ito hanggang sa katapusan ng taon, at para sa Noche Buena, mahigit 50 porsyento ay mananatili ang presyo gaya noong nakaraang taon. Gayunman, may mga iba na tumaas lang, pero wala pa itong limang porsyento.


Nilinaw naman ng kalihim na ipinatutupad ang bahagyang pagtaas ng presyo para sa ilang mga commodities.


Sinabi niya na ang pagtaas ng presyo na ito ay kumakatawan sa mga unang adjustment mula pa noong nakaraang taon.


Ipinaliwanag din ni Roque na ang mga naturang increase ay kinakailangan upang matugunan ang pagtaas ng mga gastusin, partikular na sa mga imported goods. Subalit aniya, ang mga adjustment ay pinananatiling minimal upang matiyak na hindi ito labis

na magpapabigat sa mga konsyumer.


Binigyang-diin niya na walang price increase mula noong nakaraang taon, kaya naman ang presyo na ang ilan ay mga imported products ay tumaas na. 


Batay sa Noche Buena Price Guide nito, sinabi ng DTI na ang pagbili ng 102 sa 236 na stock keeping units ay mas malaki ang gastos kumpara noong nakaraang taon.

May kabuuan namang 121 Noche Buena items ang napanatili ang kanilang mga presyo, habang 13 product line ang nakitaan ng mga pagbawas sa presyo.


Tama lang ang desisyon ng kinauukulan na hindi na magtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng December ngayon taon dahil talagang malaking tulong ito sa mga kababayan.


Kahit papaano ay mababawasan ang alalahanin ng mga konsyumer na hirap pagkasyahin ang kinikita para pambili ng mga pagkain at pangangailangan, at iba pang mga gastusin.


At kung sakaling may pagtaas man, sana ay bahagya lamang upang hindi naman ito maging mabigat sa mga mamamayan. Kumbaga, panatilihin muna ang presyo at abot-kaya dahil siguradong makabubuti ito para sa lahat.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Komentáře


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page