ni Jasmin Joy Evangelista | December 11, 2021
Tumaas na rin ang presyo ng isda at imported na baboy sa merkado.
Nasa P260 na ang kada kilo ng galunggong mula P220 kada kilo.
Ang dalagang bukid naman ay nasa P280 na ang kada kilo mula P240 kada kilo.
Ang bangus, nasa P160 na kada kilo mula P140.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), bukod sa mahirap ang huli tuwing malamig ang panahon, malaki rin ang demand ng isda ngayon.
Bahagya na ring tumaas ang presyo ng imported baboy sa pamilihan.
Ang kasim, nasa P240 kada kilo mula P220 kada kilo. Ang liempo naman ay nasa P290 mula P280 kada kilo habang ang pork chop nasa P210 mula P200 kada kilo.
Sinisilip na umano ng DA kung ano ang sanhi nito.
"We are looking into doon sa sabi nilang may possibility ng may nagte-take advantage. However doon sa tinitingnan natin kung ano 'yung mga gastos bakit tumaas ang bili ng ating retailers," ani DA Undersecretary Kristine Evangelista ng Consumer and Political Affairs.
Comments