ni Angela Fernando - Trainee @News | February 23, 2024
Nagpahayag ang Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang presyo ng 21 na produktong pang-agrikultura sa Pebrero.
Pinakatumaas ang presyo ng kamatis nitong buwan, mula P50 kada kilo nu'ng Enero hanggang P90 ngayong buwan.
Ilan sa iba pang produktong pang-agrikultura na tumaas ang presyo ay ang calamansi (mula P60 hanggang P90), talong (mula P40 hanggang P60), at ampalaya (mula P50 hanggang P60 hanggang P80).
Sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na tumaas ang presyo ng ilang produktong pang-agrikultura dahil sa kakulangan ng suplay na dulot ng mababang bilang ng tanim ng mga magsasaka resulta ng bumulusok na presyo sa mga nakaraang buwan.
Comments