top of page
Search

PRE-LOVED ITEMS NI CARLA ABELLANA, DUGYOT NA, OVERPRICED PA?!

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 6, 2024




Nag-ingay ang netizens matapos na mag-post ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram ng mga personal pre-loved items niya na up for sale.


Hindi naman suporta ang ipinaulan na komento ng madla kundi pambabatikos sa mga ibinebenta ng aktres sa kanyang bagong Instagram account na "Carla Abellana's Closet," dahil dugyot na nga raw at overpriced ang ilan sa mga items.


Nawindang nga ang netizens dahil parang hindi raw gamit ng artista ang ibinebenta at lumang-luma na ito kaya dapat ay ipamigay na lang daw ni Carla.


Sey ng isang nag-comment sa naturang post, dapat ay nilinis man lang ng aktres ang kanyang mga items bago nag-post.


Hirit pa ng isang netizen, sa kanya na lang daw bumili sa mas affordable na presyo at maayos na condition.


Paniniwala naman ng iba, hindi raw si Carla ang nag-post ng mga items at baka isa ito sa kanyang mga staff.


Mas naloka tuloy ang madla matapos na ibahagi ni Carla sa kanyang opisyal na IG account ang patungkol sa pagbebenta niya ng kanyang personal pre-loved items.


Saad niya sa post, "Posted more items and lowered down their prices! Shop now!"


Samantala, wala pang sey si Carla sa mga negatibong komentong ibinabato sa kanya.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page