top of page
Search
BULGAR

PRC licensure exams, puwede na uli

ni Lolet Abania | January 22, 2021




Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Professional Regulation Commission (PRC) na isagawa ang licensure examinations sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa pahayag ng Malacañang ngayong Biyernes.


Matatandaang ipinagpaliban noong nakaraang taon ng PRC ang licensure examinations na nakaiskedyul mula Oktubre hanggang Disyembre upang maiwasan ang mass gatherings dahil sa posibleng pagkalat ng coronavirus infections.


"The request of the Professional Regulation Commission to conduct and administer the licensure examinations for professionals scheduled for January to March 2021 was approved," ani Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng lingguhang pulong ng IATF.


Ilan sa nakaiskedyul na kukuha ng PRC exams ngayong unang quarter ng taon ay ang mga medical technologists, architects, veterinarians, physical therapists, geologists, psychologists, mechanical engineers, graduates of medicine, at teachers. Makikita rin sa kanilang website ang buong listahan ng PRC exams.


Una nang nabanggit ng commission na pinag-aaralan nilang palitan ang pen-and-paper test at gawing online na lamang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


"We might be able to start with the smaller boards which may be more manageable," ani PRC Chairman Teofilo Pilando Jr. sa naganap na Senate hearing noong Oktubre.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page