top of page
Search
BULGAR

Prayoridad, layong iangat ng Ilokano ang estado ng sports

ni MC @Sports News | Oct. 25, 2024




Buung-buo ang magiging suporta sa sports upang lalo pang mapaangat ang antas ng palakasan sa Pilipinas dahil na rin sa hindi na bago sa kanya ang pagsuong sa mundong ito. Bilang nagsilbing lider sa Philippine sports si Ilokano man, businessman at sports patron Luis “Chavit” Singson, dating gobernador, congressman at alkalde sa Ilo¬cos Sur, nagsilbi rin siyang lider ng Philippine National Shooting Association (PNSA).


Ang pangakong tulong na ito ni LCS sa sports ay para iangat pa ang antas ng estado ng ahensiya maging ng mga atleta. Una niyang patututukan ang Pinoy athletes na nangangailangan ng sapat na suporta para mas lalo pang umangat ang kalidad ng paglalaro sa international competitions. Inihalimbawa niya sina gymnast Carlos Yulo at weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo na talaga namang umangat sa international scene.


“World class,” ani LCS na kasama ang anak na si Ako Ilokano Ako Partylist Richelle Singson sa isang simpleng press conference sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque.


Pinapurihan ni LCS si Diaz-Naranjo na unang nagbigay ng gintong medalya para sa Pilipinas sa Olympic Games noong 2021 sa Tokyo, Japan.


Sinaluduhan din ni Singson si Yulo na naka- dalawang ginto sa Paris Olympics noong Hulyo. Bumalikat din si LCS sa mundo ng boxing dahil hinawakan niya sina boxing icon Manny Pacquiao at Charly Suarez.


Alam ni Singson na kinakapos sa pondo ang mga atleta. “The government should always support our athletes. Given the chance, I will help,” ani LCS. Kinatigan naman ito ni Richelle.


“On sports development, he will be for increase of budget for the athletes. Due to lack of funding, we struggle to produce top-notch athletes who can represent our country well,” aniya.


“We will be in full support of increase of budget for our athletes especially in sports that we’re good at like boxing, now weightlifting. We can see some rising talents, and we need to support them to have more Olympic medalist for the Philippines.”aniya pa.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page