top of page
Search

Prangkisa ng 3rd telco, posibleng bawiin ng gobyerno

BULGAR

ni Mylene Alfonso | July 3, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nanganganib na kumpiskahin ng pamahalaan ang P25.7 billion performance bond ng third telco player na Dito Telecommunity Corp. at bawiin ang radio frequencies na nakatalaga rito. Ito ay makaraang sabihin ng kumpanya sa pagdinig sa Senado noong Miyerkules na posibleng hindi sila makasunod sa July 8 deadline para sa kanilang technical launch, na nauna nilang ipinangako sa gobyerno bilang third telecommunications player ng bansa.


Ayon kay Dito chief administrative officer Adel Tamano, ang rollout ng kumpanya ay hindi pa sapat dahil sa lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.


Sa pahayag ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio. Jr., isa sa resource person sa hearing, ang hindi pagtupad sa July technical rollout ay magbibigay sa Dito ng anim pang buwan upang matugunan ang kanilang commitments.


Sa ilalim ng terms of reference, ang kumpanya ay maaari lamang maka-miss ng targets ng dalawang beses. Kung hihigit pa rito ay makukumpiska ang kanilang performance bond at babawiin ang itinalagang radio frequencies sa kanila.


Sa technical launch sinusuri ng regulators kung ang mga kasalukuyang pasilidad ng kumpanya ay sapat upang matugunan ang mga ipinangako na nakasaad sa ilalim ng government licenses na nakuha nito.

0 comments

Recent Posts

See All

Коментари


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page