Prangkahan na 'to! JK, UMAMING GAME SILA NI KYLE SA ISA'T ISA
- BULGAR
- Jan 11, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 11, 2024

Photo: Screengrab from Senior High
Umaapaw ang star value nina Kyle Echarri, JK Labajo at Andrea Brillantes sa ginanap na finale mediacon ng Senior High.
Walang duda na sila na talaga ang brightest stars of the next generation.
Kita rin ang chemistry nilang tatlo, kaya 'di na kami magtataka kung magkasama-sama ulit sa isang project sina Andrea, Kyle and JK.
Bukod doon, may nakapansin din sa ganda ng rapport and friendship nina JK at Kyle.
Sadly, wala pa lang eksena na magkasama sina Kyle at JK sa Senior High hanggang sa last taping day nila last Monday.
Say ni JK, Sa totoo lang po, ang chemistry namin (makikita) off-screen. Kaya po namin mag-Team Poch (character ni Miggy Jimenez sa Senior High).
Dahil si JK na ang nag-break ng ice tungkol sa boys' love, natanong tuloy siya kung willing ba sila ni Kyle na gumawa ng ganitong genre na show.
Basta po si JK. Basta po kasama ko si JK, sagot ni Kyle.
Mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto sa Kapamilya teleseryeng Senior High na tumabo na sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang The Ender to Remember finale sa Enero 19.
Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.
Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna.
Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).
Dapat ding abangan ng mga manonood ang sunud-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna.
Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya.
Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang mas tumitinding mga rebelasyon sa Senior High matapos makakuha ng all-time high na 179,305 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong January 3 episode.
Huwag palampasin ang "ender to remember" finale ng Senior High sa Enero 19, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Comments