ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 19, 2022
'Kaaliw ang rebelasyon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes nang tanungin siya tungkol sa first impression sa asawa at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa PUNCH LINE with Alex Calleja, naitanong ng kaibigan ni Marian na si Alex ang unang pagkikita nila ni Dingdong kaya binalikan ito ng aktres sa naturang podcast show.
Ayon sa actress-TV host, "Alam naman niya, aware naman siya na hindi... wala akong spark sa kanya.
"Hindi talaga ako 'yung... nakita ko siya, biglang sabi ko, 'My God! Ang guwapo! Ay, gusto ko 'to!' Hindi."
Dagdag-pahayag pa ng host ng Tadhana, "Sabi ko nga, para siyang kambing para sa akin.
Kasi nu'ng audition, ang haba-haba ng bigote niya.
"Tapos, sabi ko, 'Parang hindi naman kaguwapuhan 'tong Dingdong Dantes na 'to...'"
Marami namang naka-relate na netizens tungkol sa sinabi ni Yan kay Dong. May nagsabi pa na dapat sinusunod ang payo ng matatanda na ang piliin na mapapangasawa ay 'yung sa unang pagkikita ay walang spark.
"Let the man chase you, not the opposite. 'Pag babae kasi naghabol sa lalaki, chances are mas mahal mo siya."
"Parang kami ng mister ko. Nu'ng HS kami, hindi talaga ako guwapung-guwapo sa asawa ko, hahaha! Nilalait ko pa siya nu'n."
"Nice, Ms. Marian! But now, guwapung-guwapo ka na kay hubby mo, maraming spark na. You're a sweet couple. #DongYan."
"I love this couple since Marimar. #DongYan forever."
Samantala, patuloy pa ring napapanood si Dingdong bilang host ng high-rating na Family Feud (Mon-Fri) at sa Amazing Earth tuwing Sunday.
Comments