top of page
Search
BULGAR

PRAMIS NI WILLIE: WOWOWIN, ‘DI MAWAWALA!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 10, 2021




Matapos ang kanyang deklarasyon last Thursday na hindi na siya tatakbo sa 2022 elections, the following day, sa kanyang Wowowin show ay maaliwalas ang mukha ni Willie Revillame at parang nabunutan ng tinik, pagpapatunay na talagang masaya siya sa naging desisyon niya.


At hindi lang si Willie ang nabunutan ng tinik kundi maging ang kanyang mga staff sa Wowowin.


Kuwento nga niya, ilaw araw bago siya nag-announce ay malungkot ang mga ito dahil akala raw ay mawawala na ang show.


“Bago ako magsalita kahapon, ilang araw silang nangangamba at ilang araw silang… akala nila, magpapaalam na ‘ko tonight. So, lahat ho sila, medyo malungkot,” kuwento ni Willie.

Hanggang sa bandang huli nga ay nag-iyakan na raw ang mga ito at nagtatanong kung ano na ang magiging trabaho nila at kung paano na raw sila.


“Hindi, dito pa rin kami. Dito pa rin ang programang ito. Hindi mawawala ito hanggang may nalulumbay at nalulungkot,” paninigurado ni Willie.


At para lalong matuwa ang mga staff ay bibigyan niya raw ng bonus ang bawat isa.

“Lahat may bonus! Share your blessings, ‘di ba? Lahat kayo, bibigyan ng bonus,” deklara niya sa staff.


Samantala, lubos ang pasasalamat ng TV host sa suporta ng taumbayan sa kanyang naging desisyon. Dito nga niya lalong na-realize that he made the right decision.


“Overwhelming po ‘yung naging response. Salamat Lord, maraming salamat. Thank you po at I made the right decision because kailangan kong tulungan ang sarili ko.


“Kailangan, alam ko sa sarili ko kung ano ang kakayahan ko, dahil kapag niloko ko ang sarili ko, niloloko ko na kayong lahat.


“Ang totoo niyan, hanggang dito na lang ho muna ako. Mahirap kasi ‘yung wala kang mai-contribute tapos ‘Ibinoto ko ‘yan, wala naman palang kuwenta ‘yan.’ Ang sakit ho nu’n, ‘di ba? Masisisi ka pa,” sey ni Willie.


“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng magagandang mensahe, sa mga nag-text, sa mga nag-email, lahat, lahat-lahat,” seryoso niyang wika.

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page