top of page
Search
  • BULGAR

PRAMIS NI VILMA: ULTIMONG KAAPO-APUHAN KO SA TALAMPAKAN AY HINDI NA MAGHIHIRAP

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | September 12, 2022




VILMA SANTOS, HINDI NA MAGHIHIRAP!


Yes, Sir! Naka-welding na sa utak ni yours truly ang mga katagang sinabi noon ni Ate Vi that goes…. “Tandaan mo, Temers, ultimong kaapo-apuhan ko sa talampakan ay hindi na maghihirap!”


Nasabi niya itey dahil noong nagtayo sila ng kanyang family ng movie production ay nagkaroon sila ng financial crisis, lalo na nang singilin sila ng BIR at sobrang laki ng kanilang ibinayad.


Dahil dito ay sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa noon ng Star for All Seasons kesehodang umaga na lagi siyang umuuwi, na tipong ayon sa ilang naging close friends nila noon, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng mister niya dati na si Edu Manzano.


Kumbaga, ayon pa rin sa ilang malapit sa kanila, ang naging feeling daw noon ni Edu ay wala nang panahon si Vilma sa kanya kaya boom, hiwalayan blues as husband and wife ang kanilang naging ending.


Pero sulit naman ang lahat ng pagod sa paggawa noon ng sunud-sunod na pelikula ng isang Vilma Santos 'coz nabayaran niya lahat ang mga dapat bayaran, lalo na sa BIR.


At ngayon, malamang sa hindi, ay malaki rin ang kanyang kinikita sa kanyang YouTube vlogs. At balik-pelikula na uli itey dahil may gagawin sila ni Direk Erik Matti sooner than soon na tipong may kinalaman daw sa life story ni Mother Lily Monteverde.


Maganda rin ang kinita ng eldest son niyang si Luis Manzano sa pagiging host nito sa ABS-CBN at nagkaroon ng ilang businesses tulad ng LBR taxi.


Kaya pagkapanganak ni Jessy Mendiola Manzano sa kanilang first baby ni Luis ay puwede na uling sumigaw si Darna, este, si Vilma ng mga katagang… "I love you, Lucky Peanut!”


Boom, 'yun na!


Kaya nga ngayon na magkakaroon na siya ng apo kay Lucky ay masasabing mas "lucky" na matatawag ang magiging apo niya rito dahil nga masasabing bukod na pinagpala ang kanyang Lola Vilma Santos-Recto at Daddy Luis Manzano.


At tipong nagkatotoo nga ang sinabi noon ni Star for All Seasons kay yours truly na ultimong kaapo-apuhan niya sa talampakan ay hindi na maghihirap dahil sa sipag, tiyaga at determination niya sa pagtatrabaho.


At deserve naman nila ang lahat ng karangyaan sa buhay, in pernes!


Well, some guys have all the luck, 'ika nga.


At para kay Vilma, heto naman ang message ni yours truly, “Praise God Jesus Christ in your life Vi! Na sabi mo nga sa akin…'Temers, hindi na tayo bumabata.' Pero ikaw, Vi, tipong hindi tumatanda at tipong young and energetic pa rin, sa true lang. Parang si ako… parang si ako raw, oh. Hahaha! Insert smiley, ☺!"


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page