ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 10, 2023
KATANUNGAN
May karelasyon akong taga-Norway at dalawang beses na siyang bumibisita rito sa ‘Pinas. Nu’ng huli kaming magkita, ang sabi niya babalik daw siya sa Norway para ayusin ang aming mga papeles at para ma-settle na rin ang aming kasal.
Nasa Norway na siya ngayon, at sa video call na lang kami nag-uusap. Okey naman ang aming relasyon kahit na long distance relationship ito. Kaya lang, hindi na niya binabanggit ang pagbalik niya rito sa ‘Pinas at plano naming pag-iisang-dibdib.
Maestro, gusto kong malaman kung may chance pa kaya siyang makabalik dito sa ‘Pinas para pakasalan ako? Nag-o-overthink kasi ako na baka puro lang siya pangako matapos niyang makuha ang aking pagkababae.
Ano ang nakaguhit sa aking palad? Siya na kaya ang makakatuluyan ko at may pag-asa kaya akong makarating at makapanirahan sa bansang Norway?
KASAGUTAN
Siguradong babalik pa rito sa ‘Pinas ang boyfriend mong taga-Norway, - ito ang nais sabihin ng maayos at maganda mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na kung siya ang first boyfriend mo at nu’ng umuwi siya rito sa ating bansa ay naging very close kayo, nagkaroon kayo ng meaningful at quality na love affair, tulad ng naipahayag na, dahil hindi naman pangit at hindi rin magulo ang malinaw at maayos na Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ‘wag kang mag-alala, dahil sa bandang huli, walang duda, magiging maayos ang inyong pag-aasawa.
Ang pag-aanalisang babalikan ka ng boyfriend mo, pakakasalan at yayayain ka na niya sa Norway upang matupad ang pangarap mo at du’n na rin kayo manirahan ay madali namang kinumpirma ng malawak, malinaw at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na may isang panahon sa iyong buhay na nakatakda kang makapag-asawa ng isang foreigner at ang pag-aasawang nabanggit ay magiging daan upang ikaw ay makapanirahan sa ibang bansa hanggang sa maging Norwegian citizen at du’n ka na rin magkakaroon ng isang maunlad at maligayang pamilya.
DAPAT GAWIN
Hindi maiiwasan na kung minsan ay may kani-kanyang suwerte sa buhay ang isang tao at isa ka sa mga sinuwerte pagdating sa pag-aasawa. Kaya ipagpatuloy mo lang ang pakikipag-ugnayan sa boyfriend mong taga-Norway. Sapagkat, ayon sa iyong mga datos, sa susunod na taong 2024, nakatakda na ang magaganap, sa buwan ng Mayo, Setyembre o Nobyembre, muling papasyal sa ating bansa ang boyfriend mong foreigner upang yayain kang magpakasal para tuluyan na rin kayong manirahan sa bansang Norway at du’n na rin kayo bubuo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Comments