top of page
Search
BULGAR

Pramis, ibang-iba raw… JULIA, 'DI MA-TAKE NA PAREHO SILA NI CLAUDINE NG GALING SA PAG-ARTE

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 08, 2021




Nagsisimula pa lang si Julia Barretto sa showbiz noon ay lagi na siyang naikukumpara sa kanyang Tita Claudine Barretto lalo na pagdating sa pag-arte. Halos magkapareho raw kasi ng istilo ang dalawa at noon pa nga ay sinasabing siya ang nagmana sa kahusayan ng tiyahin sa pag-arte.


Pero ayon kay Julia, nag-iisa lang ang kanyang Tita Claudine at magkaiba raw sila pagdating sa pag-arte.


“Napakahusay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about it, I have always been a fan of her and of her works and of her projects and I really look up to her growing up as an actress.


“Pero again, siguro, when it comes to our craft, iba, we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte. Iba talaga siya,” pahayag ni Julia sa virtual mediacon ng bago niyang teleserye sa TV5 na 'Di Na Muli.


Pero aniya ay itina-try naman niya lagi ang kanyang best para maging isang mahusay na aktres din.


“I try my best every day, every time I’m given the opportunity, and I always try to be at my best and perform and deliver and I just want to make everybody around me proud and everybody who trusts me with a project proud and I think that’s always been the goal- to help breathe life into the character that I’m given,” pahayag ng aktres.


Sa 'Di Na Muli ay ginagampanan ni Julia ang papel na Yanna Aguinaldo, isang babaeng may abilidad na makita ang life span ng isang tao kapag hinahawakan niya ang kamay ng mga ito.


Excited si Julia dahil kakaiba raw ang kuwento nito kaya naman tinanggap niya agad bukod pa nga sa ito ang pagbabalik niya sa primetime after Ngayon at Kailanman in 2019.


Isa pang ikinae-excite ni Julia ay once-a-week drama ito (every Saturday) at para lang daw Korean drama na inaabangan every week ang bagong episode.


Produced by TV5 and Viva Productions, magsisimula na sa Sept. 18 ang 'Di Na Muli. Kasama rin dito ni Julia sina Marco Gumabao, Marco Gallo and Angelu de Leon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page