top of page
Search
BULGAR

PPEs, face mask, alcohol, lalagyan na ulit ng tax

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Ibinahagi ng Bureau of Customs na lalagyan na muli ng tax ang mga imported na protective gear, face mask at medical tools na ginagamit laban sa COVID-19 dahil natapos na rin ang Bayanihan to Heal as One Act.


Sa pinirmahang Republic Act 111469 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March, idineklara nito ang national emergency dahil sa COVID-19 outbreak. Dahil ditto mas mabilis tayong nakakukuha ng medical supplies galing sa ibang bansa. Nakapailalim din sa batas na ito na tanggalan ng tax ang PPE tulad ng gloves, goggles, face shield kasama na rin ang surgical at laboratory equipment, alcohol, sanitizer, thermometer, soap at COVID-19 test kits. Ito ay valid lamang hanggang June 24, 2020.


“Simula June 25, magkakaroon na muli ng tax ang mga medical supply at PPEs,” sabi ng Customs.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page