ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | May 13, 2024
Nakabitin ngayon sa Kamara at Senado ang panukalang buhayin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) para bumili at magbenta ng bigas.
Matagal kasi silang natengga na puro pag-iimbak lang ang kanilang function.
Bago ang lahat, maaalala natin nitong nagdaang Marso lang mismong ang administrator ng NFA, kasama ang iba pang opisyal, ang isinuspinde ng Ombudsman.
Eh, ‘di ba nga ilegal ang pagbebenta nila ng ating buffer stocks sa dalawang pinaboran nilang traders? Hay, naku no! Biruin n’yo ha, P93.75 million ‘yan, kung saan nabenta ang buffer stock sa P25 kilo lang?!
Samantalang ang presyo nito sa merkado eh, nasa P70 per kilo?! Que horror! Grabe ‘di ba?
At lumipas lang ang ilang araw, isinuspinde naman ang OIC ng NFA at isa pang mataas nitong opisyal. Puro na lang iskandalo at ‘korupsiyon’.
Kasama na d’yan ‘yung mga isyu dati ng sobrang importasyon, smuggling, nawawalang sako-sakong bigas at kickback, Santisima! Tapos ngayon pinamamadali pang ibalik ang power nila? Heler!!!
Ito’y para raw makabili ng murang bigas ang ating kababayan!?
Sa ganang akin, IMEEsolusyon para maging mura ang bigas, unang-unang kalusin eh, ‘yung mga traders! Sila ang nagpapatong at sanhi ng overpricing sa merkado! Mura nilang bibilhin sa farmers, ibebenta nila ng mas mahal!
Kaya naman, dapat matigil na ‘yan! Alisin na ‘yang mga traders, IMEEsolusyon na direkta na dapat ang pagbili ng LGUs sa mga farmers! Agree?
Comments