top of page
Search
BULGAR

Potensyal ng street food tourism

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 2, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Naniniwala tayong may untapped tourism potential ang street food sa ating bansa.

Mahalagang aspeto ng turismo ang pagkain, at maraming turista ang interesado sa pagtuklas ng mga pagkain sa mga lugar na pinupuntahan nila.


Dahil na rin sa mga food vlogs sa social media, mas nakikilala na ang ating local food culture, lalo na ang mga fusion street foods na talagang dinarayo ng mga foodies at turista. 


☻☻☻


Kaya mahalagang nariyan ang mga lokal na pamahalaan para suportahan ang ating mga food entrepreneur, kabilang na ang mga maliliit na manininda na mahalagang bahagi ng lokal na ekonomiya.


Marami sa mga street vendor natin ang napipilitang magtayo ng mga ilegal na bangketa dahil sa kawalan ng espasyo na nakalaan para sa kanila.


Naghahanapbuhay sila nang marangal, ngunit laging nakakabit ang takot na mapapalayas sila at bubuwagin ang mga puwesto nila.


Malaking tulong kung makapagbibigay ang LGU ng espasyo na ligtas, malinis, at may mga pasilidad gaya ng banyo at hugasan para maging mas maayos ang karanasan ng mga turista.


☻☻☻


Maaari ring tukuyin ng mga LGU ang mga vending at no-vending zones para maayos din ang daloy ng tao at trapiko -- lalo na ngayong buhay na buhay ang street food adventure.


Isa pang porma ng suporta mula sa LGU ay sa pamamagitan ng mga training at seminar tungkol sa mga sanitation and safety practices, food preparation, handling and serving, para mapataas ang kalidad ng street food.


Sa pagbibigay ng karampatang suporta, hindi imposible na maabot natin ang antas na tulad ng mga karatig-bansa natin gaya ng Thailand, Vietnam, Singapore, at Malaysia na kilala sa buong mundo dahil sa street food.


Malay natin, isang araw makapag-organisa tayo ng isang malaking street food event na magtatanghal ng mga best hits natin. Puwede nating tawaging ‘Jollyjeep Jamboree’,


‘Usok-Tusok’, o ‘Pares Olympics!’ 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page