top of page
Search
BULGAR

Post ng aktres, pinagpipiyestahan… NADINE, ENGAGED NA RAW SA BF

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 13, 2024



Photo: Nadine Lustre at Christophe Bariou - IG


“Man, oh man, you’re my best friend I scream it to nothingness,” ang caption ni Nadine Lustre sa ipinost niyang message ng boyfriend niyang si Christophe Bariou.


Ang mensahe ni Christophe, “Can’t wait to discover and conquer the world with you.”


Bukod sa mensaheng ito ay isinama rin ng aktres ang mga larawan nila ng boyfriend sa gitna ng dagat habang sakay ng surfing board, may hawak si Nadine na Hibiscus flowers, at may kuha ring nasa dagat siya na tanging liwanag ng buwan ang nagsilbing ilaw para maaninag ang dalaga.


Ang daming nagkomento sa post na ito ng aktres mula sa mga netizens:


“Bakit feeling ko, engaged na?”


“Sana all.”

“In the world of boys, he’s a gentleman.”

“Bawat scroll ko ‘di ako makahinga kasi ‘di ako ready kung proposal.”

“Naniniwala na talaga ako sa forever.”

“If feel ninyo engaged na, feel ko naman, kasal na. Anyway, delulu lang.”

“Inaantay ko kung gaano ka-estetik post ni Ate Girl, ‘pag engagement reveal na.”


Marami pa kaming nabasang tungkol sa proposal ang message ni Christophe at ‘yung iba ay lyrics daw ng kanta.


Anyway, isang heart emoji naman ang komento ng car enthusiast at asawa ng VJ na si Joey Mead na si Angie Mead King.


Trending sa social media ang post na ito ng aktres na umabot na sa almost 3K shares sa Instagram (IG).


Hmmm, na-curious tuloy kami sa post na ito ng isa sa mga bida ng pelikulang Uninvited na entry ng Mentorque Productions, Project 8 Projects at Warner Bros. para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood simula sa December 25.


Ang daming naghahanap kay Nadine Lustre para ma-interview ng mga hosts ng talk shows, baka kaya dahil sa post niya? 


 

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na may etikal na obligasyon ang mga content creators na protektahan ang mga kabataan laban sa mga mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula.


Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 Annual Conference ng International Institute of Communication (IIC) sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Sotto-Antonio na, “Ang kalayaan ay may kalakip na malaking responsibilidad.”


Ipinaalala niya ang posibleng pinsala sa murang kaisipan ng mga bata o sa reputasyon ng isang tao ng mga hindi kontroladong palabas.


“Gusto namin na matiyak na protektado at hindi nalalabag ang karapatan ng bawat Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio. 


“Mahalagang maprotektahan ang kabataan mula sa mga palabas na hindi dumaan sa masusing rebyu ng MTRCB,” diin niya.


Sinabi rin ng MTRCB chair na hindi lang dapat basta gumagawa ng pelikula para makasira.


“Ang malayang paglikha na tinatamasa natin ngayon ay may kaakibat na malaking responsibilidad.


“Nauunawaan namin na mahigpit ang kompetisyon sa industriya ng paglikha, pero dapat nating gamitin ang kalayaan na ito nang may malalim na paggalang sa mga pangunahing karapatan ng tao,” aniya.


Ang mga pahayag na ito ni Sotto-Antonio ay kasunod ng pagdalo ng MTRCB delegation sa Bangkok, Thailand nitong Nobyembre 4-7, 2024.


Kasama rin sina MTRCB Board Members Eloisa Matias at Dr. Lillian Ng-Gui, at si Atty. Anna Mindalano ng MTRCB Legal Affairs Division sa nasabing International Regulators Forum at 55th IIC Annual Conference.


Nakilahok ang delegasyon sa talakayan hinggil sa Artificial Intelligence, low-earth orbit satellite technology at digital government.


“Kailangan ang pakikipagtulungan ng mga platform holders sa oras na mayroong reklamo sa kanilang sariling plataporma.


“Gaya ng natutunan namin sa AVIA, dapat nilang isama ang sistemang ‘safety by design,’” sabi ni Sotto-Antonio.


Sinabi rin niya na may ginagamit na feedback system ang MTRCB para matiyak ang pananagutan ng mga content platforms sa Pilipinas.


Ibinunyag din niya na aktibong nakikiisa ang MTRCB sa pagsusulong sa Kongreso na mapalawak ang hurisdiksiyon ng ahensiya sa regulasyon ng mga digital streaming services.


Wala sa 1986 Charter ng MTRCB ang mandato pagdating sa kontrol ng online platforms.


Gayunpaman, binigyang-diin ni Sotto-Antonio na ang pangunahing mandato ng MTRCB ay hindi ang mag-censor, kundi paigtingin pa ang pagbalanse ng kalayaan sa pamamahayag at ang kapakanan ng pamilyang Pilipino partikular ang kabataan.


“Mayroon kaming tinatawag na ‘X’ rating para sa materyal na talagang labag sa espiritu ng Presidential Decree 1986,” sabi ni Sotto-Antonio.


“Pero, ang aming pangunahing mga rating — G, PG, R-13, R-16, at R-18 — ay ang palagian naming ibinibigay bilang takda ng aming Charter PD 1986.”


Tumanggap ng papuri ang programa ng MTRCB na Responsableng Panonood (RP) at may ilang bansa ang nagpakita ng interes na gayahin ito.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page