top of page
Search
BULGAR

'Pork' nakaktulo laway, kaya magkakamag-anak, sikat at re-electionists, join sa eleksyon

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 7, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

MALAMANG TANGGALAN NI PCSO GM MEL ROBLES NG PRANGKISA ANG MGA STL-OPERATOR NA HINDI PINAG-MEMBER SA SSS, PHILHEALTH AT PAG-IBIG ANG KANILANG MGA KABO AT KUBRADOR -- May impormasyon na ang mga Small-Town Lottery (STL) operators sa Caloocan City, Marikina City, Rizal, Cavite, Pangasinan, Iloilo, at Oriental Mindoro na iyong mga STL personnel nila, partikular ang mga kabo at kubrador, ay hindi nila ginawang miyembro ng Social Security System, PhilHealth at Pag-IBIG.


Naku, eh, kapag nalaman ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles na hindi sinusunod ng mga STL operator na ito ang kautusan ng PCSO na dapat gawing miyembro sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ang mga STL kabo at kubrador, malamang tanggalan sila ng prangkisa ni GM Robles, abangan!


XXX


JUETENG SA GAPO, DAPAT PAIMBESTIGAHAN NI OLONGAPO CITY REP. JAY KHONGHUN -- Dati ay legal na STL ang nag-o-operate sa Olongapo City, pero nawala na ito at ang pumalit ay ang jueteng ni “Aging Malabon.”


Aba’y dapat imbestigahan ito ni Olongapo City Rep. Jay Khonghun sa Kamara kung bakit ang jueteng na hindi nagbabayad ng tax sa gobyerno ang namamayagpag ngayon sa lungsod at nawala ang STL na nagbabayad ng buwis sa pamahalaan, period!


XXX


DPWH SEC. DAPAT MAGPAKITA NG TAPANG, PORK BARREL NG MGA SEN. AT CONG. GAMITIN NIYA SA FLOOD CONTROL PROJECT -- Isa sa idinadahilan ni Sec. Manuel Bonoan ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ay kaya raw binabaha ang Metro Manila at mga karatig lalawigan ay dahil kapos ang pondo nila sa flood control project.


Kung kinakapos sa pondo para sa flood control project, aba’y alang-alang sa kapakanan ng mamamayan ay dapat magpakita siya ng tapang laban sa mga pork barrel politician.

Ang nais nating ipunto rito ay iyong P176 billion na isiningit ng mga mambabatas sa budget ng DPWH para sa pork barrel projects ng mga senador at kongresista, pakialaman na niya iyan, gamitin na niya ang perang iyan ng bayan para pangpondo sa flood control project, boom!


XXX


NAKAKATULO LAWAY ANG ‘PORK’, KAYA DAMING MAGKAKAMAG-ANAK, SIKAT AT RE-ELECTIONISTS NA LALAHOK SA SENATORIAL AT CONGRESSIONAL ELECTIONS -- Sina former Sec. Ping Lacson at  Zy-Za Suzara, executive director ng Institute for Leadership, Empowerment and Democracy (LEAD) ang nagsabi na pork barrel iyang P176-B na isiningit sa budget ng DPWH, at dahil tuloy pa rin ang pork barrel sa kabila na ipinagbabawal na ito ng Supreme Court (SC) kung kaya binatikos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga pork barrel politician.


Hay naku, iyang nakakalulang bilyun-bilyong pisong pork barrel yata ang dahilan kaya maraming magkakamag-anak, mga sikat na personalidad at re-electionists ang lalahok sa senatorial at congressional elections sa May 2025, kasi sa totoo lang, ‘nakakatulo laway’ talaga iyang “pork,” he-he-he!





1 Comment


han gu
han gu
Aug 07

一篇符合学术标准的Essay通常包括引言、主体和结论三个部分。引言部分应简明扼要地介绍选题背景、研究问题和论文目的,吸引读者的注意力,并为后续论述做好铺垫。主体部分是Essay代写 http://www.pnstudy.com/essay%e4%bb%a3%e5%86%99 的核心,通常包括若干段落,每一段落应围绕一个具体论点展开详细论述,并通过逻辑严密的论证和充分的证据支持。结论部分则应总结全文的主要观点,重申研究问题,并提出进一步研究的建议或现实意义。

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page